Day 39. Pagguhit ng tadhana.

14.8K 172 7
                                    

Setting: Room 106

"Goodmorning kat. Ano gusto mo for breakfast? Bibili ako sa restaurant dyan sa malapit." tanong ni mama.

"Yung graham cake po sa ref. Nilagay po dyan kagabi ni Majo. Yan po ang gusto ko." sagot ko ng may ngiti.

"Graham cake? Kanino galing? Kay Albert?" tanong ni mama.

"Ahh. Hindi po. Galing kay Da... Ahmm. Kay Majo po galing mama." sagot ko na may pagka-utal sa pangalan ni Daniel.

"Ahh. Ok sige." sagot ni mama at saka kinuha at binigyan ako ng isang platito na may graham cake.

"Mama, *chomp* kelan daw *chomp* po ako maooperahan?" tanong ko na sinasabayan ng pagkain ng graham cake. Ang sarap!

"Ahh. Malapit na daw Kat. Alam ko may donor na. Ano... Ahm... Chinecheck pa kasi kung compatible ba yung cornea. Ayun." sagot ni Mama na nauutal-utal.

"Hmm. Buti naman po kung ganon."  sagot ko na tinatago ang pagkalungkot.

"Kat, puntahan ko muna si doc ah. Kakausapin ko lang siya tungkol sa cornea donor mo. Kaen ka na muna dyan, babalik ako agad." sabi ni mama.

*tok tok*

"Kat."

"Albert? Ikaw ba yan?"

Lumapit si Albert sa tabi ng kama ni Kat.

"Kat. I'm sorry sa nangyari kagabi. Yung mga nasabi ko tungkol kay Daniel, mali yun. Tama ka sa lahat ng sinabi mo, walang may gusto ng lahat ng nangyari maski sino. I'm sorry kat." sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ko.

"Ok lang yun Albert. Sorry din kung nasampal kita. Hindi ko naman gustong gawin yun." sagot ko.

"Wala yun! kahit na ang lutong nun at swak na swak talaga sa pisngi ko, wala sa kin yun Kat." sagot ni Albert na alam kong may ngiti sa labi.

"Kat, uuna na muna ako ah. May mahalaga lang akong aasikasuhin. Pahinga ka na." sabi ni Albert na hinalikan ako sa noo saka umalis.

Humiga ako sa kama. Itim lang ang naaaninag. Dahan-dahang gumaan ang pakiramdam...

"Iha, urong ka ng konti sa dulo. Paki lang." sigaw ng bungangerong kundoktor.

"Saan ako uurong?! SAAN? Sabihin niyo sa akin pwede ba? iritang irita talaga ako sa bus na  to pati sa mga tao. Sa amoy. Sa mga kili-kiling nakataas. Sa usok. Sa tulakan. Sa biglang pagpreno. Sa paulit-ulit na pagsasabi ng umurong ako sa dulo at higit sa lahat sa mga lalakeng absent ata sa GMRC ng ituro ang pagiging gentleman."

"Miss dito ka na." sabi ng isang lalaki sabay kalabit sa braso ko.

Tumayo siya at umupo ako. Tumingin ako sa kanya pero nakatalikod siya. Infairness talikod-genic siya!

"Nangyari na to. Siguradong sigurado ako. Panaginip.. Tama. Panaginip lang ang lahat ng ito..." kinakausap ko ang sarili ko.

"Excuse me." sabi ko sabay hablot ng mahigpit sa braso ni dream guy.

Humarap siya sa akin. Ang labo ng paningin ko pero naaninag ko ng lubusan ang mga mata niya.

"Ano... Ahmm... Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko.

Malabo man ang rehistro ng mukha niya sa utak ko nakita ko ang pagbukas niya ng bibig para sagutin ang tanong ko ng biglang prumeno ng malakas ang bus.

"Kung makadaan naman yung pusa, akala mo reyna ng kalsada." sabi ko sa sarili ko.

Huh? Nasa jeep ako? Di ba nasa bus ako kanina?


"Manong, bayad ho." nagbayad siya. Pinagpasapasahan ang baryang pamasahe niya hanggang napunta sakin para iabot sa driver. 

Eto na naman. Nangyayari na naman. Tumingin ako sa lalakeng nagbayad pero wala na siya sa jeep.

"Manong, para ho! Para." sabi ko.

Bumaba ako ng jeep at hinanap si dream guy. Sa paghahanap ko sa kanya ay may nabangga ako.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Ah. Oo. Okay lang ako.

"Siya ang lalakeng yun! Hindi ako pwedeng magkamali!" 

Pinagmasdan ko ang mukha niya pero ang natanging malinaw na naaaninag ko ay ang kanyang ilong. Kinuskos ko ang mata ko kasabay ng pagbabakasakaling luminaw ang paningin ko.

"Kat."

"Ha? boses yun ni Majo ah. Anong ginagawa niya dito? bakit niya ko tinatawag."

"Oy Kat!" 

"Kat!!!!!" sabay yugyog sa braso ko.

"Majo? Ikaw ba yan?" tanong ko.

"Yes teh! nakatulog ka noh? Ano bakla, si Daniel ba talaga yung nagdala nung graham cake at rose?"

"Majo. Paki-kuha naman ng lapis at sketch book dyan sa mga gamit na pinadala ko kay mama." sabi ko.

"Huh? Bakit? Magda-drawing ka? Eh pano yun Kat?" tanong ni Majo.

"Basta. Ibigay mo na lang muna sa kin Majo." sagot ko.

"K fine. Kukunin na." sagot ni Majo sabay kuha sa sketch book at lapis.

"Eto na." sabi ni Majo sabay abot sa kin ng mga gamit.

"Salamat. Pero pwede ba munang iwanan mo ako saglit Majo?" tanong ko.

"Ok sige. Basta tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha." sagot niya sabay labas sa kwarto.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit at sinimulang ilapat ang lapis sa sketch book. Parang may sariling utak ang mga kamay ko. Ginuguhit niya ang natatandaan kong parte ng mukha ng lalake sa bawat panaginip ko...

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon