Nakahiga ako sa kama habang tinitignan ang puting panyo na may dugo na bigay ng lalaki kanina
"Bakit ganon? Pinapaalala niya sa kin si Daniel. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hayyyy." pinikit ko ang mata ko hanggang nakatulog na ako.
Maaga akong gumising ngayon para pumasok. Naligo, nagbihis, nag-almusal, nagayos.
"Ma, Lola alis na po ako."
"Sige nak. Ingat ka!" sabi ni Mama.
Sumakay na ko ng jeep. For the first time, hindi nagautomatic ang mga mata kong tumingin sa paligid para hanapin si Daniel.
Nagbayad ako at nagside-view para malasap ang hangin sa labas ng bintana.
"Bayad po." sabi ng katabi ko.
Kaya tumingin ako para abutin ang bayad. Laking gulat ko na siya ulti ang lalaki kahapon
"Uy kat. Ok ka na ba?" tanong niya.
"Ah oo. Tska pano mo nga pala nalaman pangalan ko?" nagtatakang tanong ko.
Tinuro niya ang id ko. Sabay ngiti. Napangiti na din tuloy ako.
"Ikaw si?" tanong ko.
"Albert." sagot niya na may kasama pa ding ngiti
Ewan ko ba kung bakit napapangiti ako pag ngumingiti din siya. Di kagaya ng paborito kong ngiti ni Daniel ang ngiti ni Albert pero may iba sa ngiti ni Albert na parang nakakagaan ng pakiramdam.
Biglang prumeno ang jeep dahil sa pagtawid ng isang pusa.
Napaurong si Albert at napadikit siya sa kin.
"Sorry Kat." Sabi niya.
"Hahahaha. Ok lang yun." Sagot ko.
"Anong nakakatawa?" tanong niya.
"Hahaha. Wala lang. May naalala lang ako. Dati kasi hiniling kong may tumawid na pusa para magpreno yung jeep tapos hmm. basta." sagot ko ng nakangiti.
Ngumiti din siya pabalik. Tumingin ako sa bintana ng biglang nakita ko si Daniel sa kabilang kalsada na may kasamang babaeng nakatalikod.
"Daniel..." sinundan ko siya ng tingin habang papalayo ang jeep.
"Daniel?" Tanong ni Albert na tumingin din sa bintana.
Gusto kong bumaba ng jeep para puntahan siya pero natanaw kong hinawakan ni Daniel ang kamay ng kasama niyang babae.
Inalis ko ang tingin ko. Naluluha pero pinipigilan kong maiyak.
"Kat? Ok ka lang ba?"
"Oo. Ok lang ako noh! Hahahaha. Bakit naman ako hindi magiging ok." pinipigilan ko ang pag-iyak ko.
Bahagyang tinapik ni Albert ang balikat ko.
"Okay lang umiyak Kat, pero sa tingin ko mas maganda ka pag nakangiti ka." sabi ni Albert.
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Napangiti na din ako.
"Salamat Albert."
"Wala yun. Siguro nga di ko kilala yung Daniel na yun pero ang alam ko lang di ka niya dapat pinapaiyak."
Nagkatinginan kami saglit ni Albert bago parehas naming naiilang na inalis ang pagkakatingin namin sa isa't isa.
"May punto si Albert. Hindi ako dapat nagkakaganito sa isang lalaking mas malabo pa sa tubig na sinawsawan ng samu't saring kamay na madumi."
Pero masakit pa din pag naiisip ko ang nakita ko kanina. Sobra.
"♫ ♫ Caught you in the arms of another. I've been dying every day since then. ♫ ♫"
Biglang kanta ng urbandub sa jeep. Di tulad dati na sa imaginary background lang ang tunog. Di ko alam kung nananadya, nagpapatama o may pinaparealize lang talaga destiny sa kin...
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...