Epilogue.

16.9K 235 38
  • Dedicated kay All the readers ♥
                                    

*KAT POV*


Dream guy? Soul mate? Hero? Miracle? Destiny? Lahat yun nangyari sa kin. Sa pagkakataong ito. Ayoko ng tumigil ang oras. Alam nyo kung bakit? Kasi gustong gusto ko ng gamitin ang bawat segundo ng oras ng buhay ko na kasama si Daniel.

Hindi na ko pupunta sa ibang bansa. Sa una, nagalit si papa at mama pero ganoon naman siguro ang mga magulang, kung saan masaya ang anak. Doon din sila sa huli. Kinausap ko ang mommy ni Daniel at sinabi na handa kong alagaan si Daniel at pumayag naman siya.

Alam na din nila Majo at Lance na buhay si Daniel. Ang dameng explanation ang ginawa ko pero alam kong masaya sila para sa kin. Naging magboyfriend sina Yna at Jeric, at masaya ko para kay Yna. kay jeric naman. Naiinis pa din dahil naaalala ko pa din ang ginawa niya. Pero alam kong balang araw mapapatawad ko din siya.

Pumunta sa ibang bansa si Albert pagkaraan ng 2 buwan para mag masteral doon. Alam kong malungkot si Albert pero tulad ng lagi niyang sinasabi sa kin. Masaya siya kapag nakikita niyang masaya ako. Siguro nga, si Albert ang isa sa mga tunay na nagmamahal sa kin pero kahit kelan hindi ko magagawang suklian ang pagmamahal na iyon.

Tinutulak ko ang wheel chair ni Daniel patungong isang restaurant. 

"Hoy Kat. Alam kong gwapo pa din ako. Pero ngayon bang hindi mo na nakikita ang mga killer eyes ko. Mamahalin mo pa din ako?" pabirong tanong ni Daniel. 

Itinigil ko ang pagtutulak ng wheelchair at lumuhod sa harapan niya para maging magkalevel kami.

"I love you past tense nung ubod ng gwapoat yabang ka pa. I love you present tense ngayong nakawheelchair ka pero ubod pa din ng gwapo. At I love you future tense kapag nakasal na tayo. I love you forever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever."

Hinalikan ko siya. At naramdaman ko ang ngiti sa mga labi niya. Tumayo ako at ipinagpatuloy ang pagtutulak ng wheelchair niya.

"I love you bubuwit." sagot niya na may ngiti sa mga labi.

"Yabang!" sagot ko.

"W-E-I-R-D-A."



"Payatot!!!!!!!" pasigaw na asar ko.

Nagtawanan kami. Parang panaginip. Parang fairytale. Parang korean novela. Pero alam nameng dalawa na totoo ang lahat. ♥

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon