Beep. Beep.
Inabot ko ang cp ko sa lamesang katabi ng kama ko. Nakakatamad mag-extend ng kamay. Nakakatamad idilat ang mata. Pero di ko alam kung bakit ko pa din ginawa. Parang may nagbubulong sakin na tignan at basahin ko ang message.
"Istorbo naman to." iritang irita kong tinignan ang cp ko.
1 message from GLOBE.
Potek. Sabi ko na nga ba e. Istorbo lang talaga. Nilagay ko ang cp ko sa ilalim ng unan ko. Bumaliktad ng pwesto sa paghiga. At nagtalukbong ng kumot.
Beep. Beep.
Kapag nga naman talaga tinamaan ka ng malas. Ayaw ba talaga ko patulugin ng cellphone na to? Dahil ba sobra-sobra na ang tulog ko? Tse. Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan.
"Humanda ka talagang GLOBE ka!" nagbabanta ako sa cp. OO alam ko, mukha lang akong sira sa pagkakataong ito.
1 message from 09064526358
"Sino kaya to?"
Binuksan ko ang message at napaupo ako sa gulat.
"Hi Kat. Gising ka pa ba? :) -Daniel"
Napatayo ako. Napahawak sa mukha ko habang ang laki laki ng ngiti ko. Alam kong napaka pula ko nun. As in daig pa pag may allegies ako. Napatalon ako sa tuwa at kilig. Daig pa ang bulateng binudbudan ng asin.
"Anong dapat ireply ko? Ohh-Emm-Gee." Naguguluhan ako. Di gumagana ang mga neurons ko dahil sa kilig ko.
"Oo. Gising pa ako Daniel. :) Hi nga pala. :)" Send.
"Tama ba ang message ko? Ok lang kaya yun? Dapat nag-antay muna ko kahit 3 minutes para di halatang excited noh. Pero naexcite kase talaga ako e. Tska ok lang ba na 2 ang smileys na nilagay ko? Ohh. Dapat isa lang pala muna."
Humiga ulit ako. Hawak-hawak ang cellphone habang kinikilig. Inaabangan ng maigi ang irereply niya.
Beep. Be-
Hindi ko na inantay matapos ang message alert. Open message.
"Hi din :) Bakit di ka pa natutulog? Wala ka bang pasok bukas?"
Inhale. Exhale Kat. Kalma lang.
"Di ko talaga kayaaaaa. Wooo. Tinext ako ni Daniel!"
Tumayo ulit ako sa pagkakahiga ko. Nagjogging jogging sa paligid ng kwarto ko habang nakangiti. woo. Pampaalis nerbyos.
Nagtype agad ako ng message.
"May tinapos lang akong assignment. Maaga pa pasok ko bukas :)" -Send.
Umupo ulit ako. Medyo kumalma na ang sarili ko sa kilig.
Beep. B---
Di ko ulit pinatapos ang message alert. Egzoited na binasa ang message.
"Ah ganon ba. sige tulog na tayo. Goodnight Kat. :)"
Di ko alam kung bakit ako nadismaya sa reply niya.
"may mali ba sa ireply ko? Siguro dapat tinanong ko din kung bakit pa din siya gising? Awww. Ang hina ko talaga. Dapat ganon ang nireply ko."
Pero nagreply agad ako kahit na medyo dismayado sa reply niya.
"Goodnight din Daniel. See you :)" -Send.
Humiga na ulit ako sa kama. Umaasang magrereply ulit siya ng "Sweetdreams, love you." Hahaha! Alam kong illusyonada na ang dating ko pero bat ba? Masama ba mangarap?
Sana bukas ng umaga, makasabay ko ulit siya.
Goodnight Daniel. ♥
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Roman pour AdolescentsThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...