"Hay. ano ba to. Nagluluha pa mata ko. Ang sakit kasi kanina pa eh. Teka lang Kat ah, lalabas muna ako. Tulog ka na muna dyan. Sabi ng doctor pag daw ipinahinga mo yang mga mata mo, mabilis ka daw gagaling." sabi ni Albert na may pekeng ngiti sabay alis sa kwarto.
Pinikit ko ang mata mo. Isinasantabi ang mga iniisip. Ang gusto ko lang ngayon ay matulog. matulog at gumising ng wala na ang lahat ng sakit na nadarama ko.
"Kat, anak." boses yun ni mama.
Idinilat ko ang mga mata ko. Tama nga si Mama nga ang dumating.
"Oh Kat. Gising ka na pala. Gusto mo kumain? Ay teka, binilihan kita ng paborito mong ice cream. Eto, teka. buksan natin." sabi ni mama habang kinukuha ang ice cream.
"Ma. Mabubulag na po ba ko?" matipid na tanong ko.
Natigilan si mama at humarap sa akin na nangingilid ang luha.
"Ha? Ano ka ba naman kathy. Pepwede ba naman yun? Ok ka lang noh. Ano ka ba. Si papa mo nga pala uuwi siya dito sa makalawa." sagot ni mama na halatang halata ang pagpipigil sa luha.
"Dapat ko na palang sanayin ang sarili ko sa madilim." sabi ko sabay pikit ng mata.
"Ano ka ba kathy! Di ba sabi ko ok ka lang! Bakit ka ba ganyan ha?! Pag sinabi kong ayos lang ayos lang!" pasigaw na sabi ni mama na hindi na napigilang umiyak.
"Mama, sabihin niyo na po sa akin ang totoo. Kung mangyari man po ang pagkabu----. matatanggap ko naman po. Ang gusto ko lang mama. Malaman ang totoo."
Lumapit sa kin si mama at niyakap ako. Umiiyak siya at umiiyak na din ako.
*Flashback*
"Doc. Kamusta po si kathy? Ok naman po siya doc di ba?" nag-aalalang tanong ni mama.
"I'm Sorry Mrs. Cruz pero hindi maganda ang lagay ng mga mata ni Kat. She suffered from a direct assault in her eyes dati di po ba? It made serious punctures in her eyes that causes a severe vision impairment." sagot ng doc.
"Teka lang doc. Di ko po kayo maintindihan. Punctures? vision impairment? ano pong ibig sabihin nun?" tanong ni mama na lalo lang nag-alala.
"Mrs. Cruz, I'm sorry to say this. Pero malaki ang posibilidad na mabubulag ang pasyente. Pero maghahanap po kami ng donor para sa gagawing operasyon." sagot ng doctor sabay hawak sa braso ni mama na iyak ng iyak.
"Doktor, pagalingin niyo po si Kat. At Lily, tumahan ka na. gagaling si Kat." sabi ni lola.
"We'll do our best. We'll find a donor for Kat." sagot ng doctor sabay tungo at alis.
*Present time*
Hindi ko namalayan na tulo na pala ng tulo ang luha ko. May nararamdaman akong sakit sa loob ng mata pero lahat ng yun di ko pinapansin dahil mas masakit ang narinig ko kesa sa nararamdaman ko.
Pumasok si Albert sa kwarto kasama si Majo at Lance. Nakita nila akong nakatulala at umiiyak. Lumapit sila sa kin at yumakap si Majo.
"Kat-kat..." mahina at naiiyak na sabi ni Lance.
"Pano na yan? Hindi ko na makikita yang pang-asar mong mukha Lance." sabi ko na may pekeng ngiti at nanginginig na boses dahil sa pagpipigil ng iyak.
"Hindi yun pwede! Ibibigay ko sayo tong third eye ko. Eto na oh. kunin mo na!" sabi ni Lance na lumapit na din at yumakap sa min ni Majo.
"Kaaattt. Kat naman e. gagaling ka." sabi ni lance na mala-popoy sa one more chance ang tono.
"Lance. Majo. Bakit ako pa? Hahahaha. :'(" sabi ko habang umiiyak at tumatawa.
"Ano ba kat, depress ka ba o baliw?" nagjoke pa si Lance.
"Gagaling ka Kat. I love you." sabi ni Majo.
"I love you too. Majo, Lance... Albert." sabi ko sabay tingin kay Albert na pinipigilan ang iyak.
Lumapit si Albert sa amin. At umupo sa kama.
"Kat, sabi ng doctor, may pag-asa ay hindi, malaki ang pag-asa mong gumaling pag may donor sa operation. Kat, hahanap ako kahit saan. hahanap ako, gumaling ka lang." matigas na sabi ni Albert.
"Thank you Albert." sabi ko na may kasamang bahagyang ngiti.
"Majo, Lance. Tahan na mga batang batuta. Narinig niyo naman sabi ni Albert di ba? Hahanap siya ng donor tapos konting oras lang ng operasyon, ayun. Gagaling na ko." sabi ko sabay punas sa mga luha ko. Biglang gumaan ang damdamin ko sa sinabing yun ni Albert. Palagi niyang pinapagaan ang loob ko.
*Phone conversation*
*Kring kring*
Yna: "Yes. Hello?"
-----------------------
Yna: "Oh. Bakit bigla kang napatawag?"
----------------------
Yna: "Ha? Si kat? Anong nangyari sa kanya?"
---------------------
Yna: "Ok sige. Magkita tayo sa coffee shop."
---------------------
Yna: "Alright. See you."
*A guy's voice*
"Tulad ng isang bituin, palagi nga kitang nababantayan pero ngayon... Paano kita mapoprotektahan? PAANO?"
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...