Day 41. Sakripisyo.

14.7K 167 12
                                    

*Kat POV*

"San tayo pupunta?"

"Sa paborito kong lugar." matipid na sagot niya.

"Paboritong lugar?" inulit ko lang.

Tumungo lang siya.

"Saan yun?"

Alam ko na nangyare na ang lahat ng ito. Isang lugar. Isang lalakeng nagdala sa kin dito. Tila dalawang beses na itong naganap sa kin..

Hinawakan ko ang kamay ng lalake sa bawat panaginip ko. Tumingin siya sa kin at ngumiti. Isang ngiting pamilyar. Mga matang matagal ko ng tinitignan.

"Kat, mahal kita.."

Nakatingin ako sa mga mata, ilong, labi, sa buong mukha niya habang sinasabi ang mga salitang yun. Unti-unting luminaw ang mukha niya. Dahan-dahan kong naaninag ang mukha ng taong tila matagal ko ng hinahanap. Pero kahit na malinaw ang rehistro ng mukha niya, parang di kilala ng isip ko kung sino ang lalakeng yun...

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon at umupo mula sa pagkakahiga. Kinuha ang sketch book at lapis sa cabinet ng lamesa sa tabi ng kama. Kinapa ang marka ng ginuhit ko at nagsimula ulit ang mga kamay kong gumihit. Parang may sariling buhay ang mga kamay ko na tanging ang larawan sa isip ang sinusundan.

*Daniel POV*

Lumabas ako sa ospital na may isang desisyon. Isang desisyon na alam kong babago sa buhay naming lahat.

"Ahhh. Ang ganda ng langit.." sabi ko habang umunat at tumingin sa langit.

lumakad ako papunta sa park malapit sa mall ng bigla kong makasalubong si Yna.

"Daniel. Ikaw pala yan." bati ni Yna na may ngiti sa labi.

"Hi Yna." sagot ko ng may ngiti.

"Unusual yan ha. Good mood ka ata ngayon. may nangyareng maganda kay Kat?" tanong ni Yna.

Umiling ako sa kanya at sumagot.

"Wala pa, pero nararamdaman ko malapit na siya ulit makakita." sagot ko na may halong ngiti.

"Hmmm. Nakakaselos naman. *irap* Joke! Goodluck sa inyo ni Kat. Walang halong bitterness, masaya ko na nakakita ka na ng babaeng mahal na mahal mo, daniel." sagot ni Yna.

"Salamat, Yna. Ah oo nga pala. May gagawin ka ba ngayon? tara, sama ka sa kin ng saglit." sabi ko sabay akbay kay Yna.

Pumunta kami sa park at nakita namin si Jeric na nakaupong mag-isa habang naka-earphone. Tinanggal ko ang isang earphone niya. Lumingon siya samin.

"Nanaginip ba ako?" sabi niya sabay kurot ng isang beses sa pisngi.

"Pare ang corny mo pa rin!' sagot ko sabay batok sa kanya.

"Yna, siya nga pala si Jeric. Jeric si Yna." pakilala ko sabay kuha ng mga kamay nila para ipag-shake hands.

"Nice to meet you, Mr. stalker." sabi ni Yna na may ngiti.

"Ha?" sagot ni Jeric.

"Lagi kitang nakikita sa nakatingin sa kin sa malayo. Lage mo kong sinusundan. Ikaw din yun naglalagay ng bulaklak sa locker ko di ba?" sagot ni Yna.

"Alam mo na pala." sagot ni Jeric sabay kamot sa ulo.

"Ang daming langgam. O siya, aalis na ko." sabi ko sabay talikod at lakad paalis.

"Daniel! Salamat!" sigaw ni Jeric.

Hindi na ako humarap. Itinaas ko lang ang kaliwang kamay ko at nag-aprub sign.

*Kring kring*

Daniel: Hello Mommy.

Mommy: Oh Daniel, bakit bigla kang napatawag. Do you have any problem?

Daniel: Nasa meeting pa po ba kayo?

Mommy: No. Kakatapos lang. You sound sad, anak. Any problem?

Daniel: Sad? Hindi po ah. Mommy, makakauwe po ba kayo dito sa Pinas by this week?

Mommy: No. Alam mo namang I need to stay here for quite some time.

Daniel: Ahh. Masaya po ba kayo?

Mommy: Ano ba namang tanong yan Daniel? ofcourse I am.

Daniel: *smile* Sige po, I love you. *end call*

"I love you? First time akong sinabihan ni Daniel nun ah. I love him too. Kung alam niya lang." sabi ng mommy ko sabay inom ng kape niya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Tinignan ko ang eye donor card at muling tinago. Tumawid ako kasabay ng paparating na kotse. Tinakpan ko ang mata ko kasabay ng malakas pagbangga sakin ng kotse. Dahan-dahang bumagsak ang duguang katawan kasabay ng pagdilim ng lahat..

Setting: Room 106

*Kat POV*

Nagpatuloy ako sa pagguhit sa mukha niya. Walang nakikita, hinahayaan lang ang mga kamay ko at puso na gumihit. Biglang naputol ang tasa ng lapis ko. Kinilabutan ako. Isang pamilyar na amoy. Amoy na kalungkutan....

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon