Pumasok ako sa classroom. Sa pangatlong pagkakataon. Lutang, lito at hilo. Derecho ako sa upuan ko.
"Goodmorningggg saaaa iyoooooooo kat!" maagang pangbibwisit ni Lance.
"Bakla! Kauma-umaga nakabusangot ka d'yan! Wacha problem? Kay Papa Daniel ba yan ulit?" Tumabi si Majo sa kin.
"Ah. Hindi. Masama lang talaga gising ko ngayon tska ang sakit sa ulo ng traffic kanina." palusot ko.
Oo alam ko. Puro kasinungalingan ang sinabi ko kina Majo. Di masama ang gising ko. At lalong di sumakit ang ulo ko sa traffic. Nalilito ako kung totoo ba ang nangyare kanina. Isipin mo ha. Isang minuto halos sumabog na ang puso ko sa tuwa tapos sa isang preno lang parang nawala lahat. Mas mabilis pa sa pagnanakaw ng mga salisi gang ang pangyayare.
"Ching Chang Ching Chang." sabi ni Lance.
"Ching Chang Ching Chang Ching Chang Ching Chang." sagot ni Majo.
Tunog intsik ang salita nila sa pandinig ko. Walang pumapasok sa tenga ko kundi ang mga salitang:
"Dream girlfriend ko. Dream girlfriend ko. Dream girlfriend ko."
"Kat!!! Anong nangyayare sa'yo? Okay ka lang ba? Para kang naka-drugs!" tanong ni Lance.
"Oo nga Kat. Ano ba ang nangyare? Sabihin mo na samin. Tutal naman wala daw si Sir ngayon e." Sabi ni Majo.
Gustong gustong kong ikwento kina Majo at Lance ang mga nangyare kanina as in. Kaya lang... kaya lang... Kaya lang di ko alam kung pano sisimulan at lalo na kung pano tatapusin. Masaya ako sa lahat ng nangyare pero naguguluhan ako. Para siyang panaginip sa saya at agad din nawawala pag nagising ka na.
"Wala talaga kong problema. Talagang medyo masama lang ang pakiramdam ko ngayon." sinungaling kong sagot.
"Mabuti pa nga. Ipahinga mo na yan bukas! Tutal wala naman pasok. Weird ka na. Kung di mo lang kame kaibigan iisipin na namen na baliw ka." sabi ni Lance.
"Over naman to! Baliw agad-agad? Hahaha. Pero Kat, may point si Lance. Mas okay ngang ipahinga mo na yan." sabi ni Majo.
Di ko sila inintindi masyado. Tumungo ako sa desk. Iniisip ko pa din si Daniel.
Uwian na. Bumaba ako sa LRT Station at nagabang ng jeep. Di ko kasabay si Majo at Lance ngayon dahil nanood sila ng tig-25 na sine. Eto na naman ako sa pag-aabang ng jeep. Pinigilan kong tumingin sa kanan at kaliwa pero automatic na ginawa ng mga mata ko. Wala akong Daniel na nakita kaya sumakay na ako.
"Nagkatotoo ata ang pagsisinungaling ko ah. Sumama talaga ang pakiramdam ko." sinasabi ko sa sarili ko.
Nagbayad agad ako. Umupo ako sa dulo sa halos tabi na ng driver. Di na sa paborito kong upuan. Kinuha ko ang earphones ko. Sinuksok sa cellphone. Nagpapatugtog. Niyakap ang bag. At pumikit. Di ako nageemote ah. Inaantok lang talaga ako.
May naaamoy akong isang pamilyar na amoy. Parang amoy ng isang taong nakita ko na dati. Dinilat ko ang mata ko. Katabi ko si Daniel. Nakapikit siya at naka earphone din. Nagulat ako pero mas pinangunahan ako ng saya.
"Daniel." kinalabit ko siya.
Dumilat siya. Ang gwapo niya sobra.
"K..kat. Ikaw pala yan." tinanggal niya ang earphones niya.
"Oo. Nakasabay ulit kita. Ang saya ko." Bigla na naman ako nakapagsabi ng mga salitang di ko naman talaga gustong sabihin dahil nakakahiya.
Ngumiti siya ng konti at sinabing "Ako din."
Masaya ako. masayang masaya. Di to panaginip. Totoo to lahat.
"Hmm. Kat?" tanong ni Daniel.
"Ano yun Daniel?" Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Iniisip ko lang kung... Pwede ba tayong lumabas bukas?" Bigla siya huminga ng malalim at tumungo na parang nahihiya.
Oh my gosh. Ang tagal pa ng b-day ko pero ang gandang regalo nito.
"Sige. What time ba?" nakangiti kong sagot. Wala ng dala-dalawang isip baka biglang mabago pa isip niya.
"Sa Jeepney Stop na lang muna tayo kita. 2 pm. Ok lang ba Kat?"
"Okay na okay Daniel! See you." Halos pumiyok ako sa pagsagot eh kase naman di ba? Dream come true! Date na ang tawag dun di ba? Hahahayyyy, jackpot!
Ngumiti sya sakin. At syempre ngumiti din ako. Kinikilig. Lumulutang sa saya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at tumingin bintana sa harapan. Yung sa unahan ng jeep. Ganun siya paghinahawakan niya ang kamay ko. Inaalis niya agad ang tingin siguro nahihiya din siya.
Pumreno ang jeep. Napaurong si Daniel. Napadikit ang braso niya sakin. Syet. Heaven!
♫ Somehow I find, You and I collide... ♫
Tumutunog na naman ang imaginary background music ng buhay ko.
Dinama ko ang braso niya. Ipagdadasal na sana may tumawid na pusa para prumeno ng mas malakas ang jeep. at mas mapadikit sakin si Daniel. At nagkakatotoo naman. May tumawid na babaeng mukhang pusa. At pumreno nga ang jeep.
Pero... Pero di dumikit si Daniel sa kin. Wala ni isang balahibo ang dumampi sa balat ko. Nagising ako.
♫ Somehow I find, You and I collide... ♫
Tumutugtog sa playlist ko. Tinanggal ko ang earphones ko. Tumingin sa tabi. Wala si Daniel.
"Ano ba talagang nangyayari? Bakit ganoon na naman? Nawala na naman si Daniel." Hysterical na kinausap ko ang sarili ko.
Bumaba ako sa jeep. Lumakad pauwe. Walang gana. Wala sa mood. Wala sa sarili.
Pumasok ako sa bahay. Sinalubong ng tanong ni Lola.
"Oh apo. Kumaen ka na ba?"
"Busog pa ko Lola." mahinang sagot ko.
"Kat. Sama ka sakin bukas kina istian ah. B-day nya bukas."
"Sige ma. Tulog na muna ako. Napagod ako ngayong araw. Goodnight Ma, Lola." sagot ko at umakyat na sa kwarto.
Oo alam ko. May date kame ni Daniel bukas. Pero di ko alam kung bakit ako um-oo sa alis namen ni mama bukas. Siguro dala ng pagkalito.
Ano na ba talaga ang nangyayare? Daniel? Sino ka ba talaga? Panaginip ka nga ba o totoo?
Dear Mr Dream Guy, if you're real please do answer me. :(
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Ficção AdolescenteThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...