Day 32. Stop. Go.

15.4K 175 8
                                    

*Flashback*

"Unti-unting bumilis ang andar ng lrt train. Ganoon na lang din ang bilis ng pagkawala niya sa mga mata ko."

Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko. Bakit ganoon, parang sumasakit. Sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit sa puso o ano pa man. Kinuha ko ang cp ko sa bag ko.

"Albert. Pwede bang bukas na lang tayo lumabas? Medyo sumama kasi pakiramdam ko." -Send.

*Beep. Beep.*

From Albert.

"Ok Kat. Pagaling ka. Same time & place bukas. I'll be waiting :)"


*Present time*

*Kat POV*

Nakasakay ako ngayon sa lrt train. Papunta sa gateway mall para puntahan si Albert. Hindi ko alam kung bakit ambigat pa din ng pakiramdam ko ngayon. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko.

"Huwag ka ng masaktan please?" kinakausap ko ang sarili ko.

Nabaling ang atensyon ko sa mag-nanay na katabi ko sa upuan.

"Baby, wag ka ng magalit dun sa classmate mong yun.. Wag mo ng isipin pa kung may nagawa ba siya sayong nakasakit sa'yo. " sabi ng mukhan working mom na katabi ko sa upuan.

"Ah basta. Ayoko. Gusto ko ng lumipat ng school mommy!" sagot ng mukhang spoiled-brat na 10-year old na batang babae.

 "May mga iba ka namang friends di ba? Sila nalang yung isipin mo. Yung mga taong nagpapasaya sa'yo ha baby?" sagot ng nanay niya.

Napangiti ako sa narinig ko. Winner lang. Pakiramdam ko. Ako yung sinasabihan ng nanay niya na kalimutan na ang mga nakasakit sayo at magfocus na lang sa mga taong nagpapasaya sa'yo.

*Next Station. Cubao. Papalapit na sa Cubao Station...."

Bumaba na ako ng Lrt. Pumunta sa gateway baun-baon ang katagang accidentally tumama sa kin kanina.

"Kat!" tawag sakin ni Albert kasama ng pagkaway.

"Uy!" sagot ko na may kasamang ngiti habang papalapit kay Albert.

"Ano tara na? Gutom na ko!" pabiro kong sabi kay Albert sabay hawak sa tiyan ko.

Kinuha ni Albert ang bag ko at ngumiti.

"Tara na." sagot niya kasama ng isang ngiti.

Kumain. nanood ng sine. naglaro sa amusement park.

"Ang saya ko Albert. Thank you ah!" sabi ko sa kanya sabay aprub sign. Ngumiti lang siya pabalik sa kin.

Nakatayo kami sa pedestrian stop light ngayon. Red ang ilaw. Nabaling ang tingin ko sa lalaki sa kabilang kalye ng stop light.

"Dan..iel?" tanong ko sa nasasaktan kong sarili.

Tumingin ako kay Albert. Nagtetext siya sa cellphone niya. Binaling ko ang tingin ko kay Daniel, nakatingin din siya sa kin.

dug dug dug dug.

Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Bakit ganito. Bakit? Bakit ko pa siya kailangan makita?

"Daniel... Ayaw mo na ba talaga akong makita?" kung nakapagsasalita lang siguro ang mga mata ko ayan na ang paulit-ulit niyang sinasabi.

Inalis ni Daniel ang pagkakatingin niya sa mata ko kasabay ng pag-green ng ilaw ng stop light.

Nagsimulang maglakad ang mga tao sa kani-kanilang pupuntahan kasama si Daniel.

"Kat? tara na?" aya sa kin ni Albert. Inabot niya sa kin ang kamay niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Albert at lumakad.

"Tama nga. Magkaiba na nga siguro kami ng landas na pupuntahan ni Daniel. At kahit kelan, miski sa panaginip. Hindi na kami dapat pa magtagpo ulit..."

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon