Day 1. Sino nga kaya siya?

42.7K 456 19
                                    


Pagkatapos kong maipasa ang scholarship ko. Umuwi agad ako sa min. Di ko na napansin kung may natapakan ba kong tae, o may bumati sa king kakilala ko, o may mabangga akong siga. Basta ang alam ko lang ay tulig ako. OO. tulig. lutang. hilo.

"Miss dito ka na."  "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." "Miss dito ka na." 

Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya. Sumasakit ulo ko sa kakaisip kung totoo ba yon o panaginip lang.

"Totoo yun ano ka ba Kat-kat! Ang gwapo nya nga di ba pag nakatalikod? At ang boses nya ay ear-sexy. Aminin mo!" Kinausap ko ang sarili ko.

"Pero bakit ganon? bigla siyang nawala? Bigla ngang nag-iba miski yung paligid ko? Ano ba yon Wow mali? Pagkuskos ng mata iba na agad-agad ang paligid?" Kinokontra ng alter-ego ko ang una kong iniisip.

Tumungo ako sa lamesa. nagiisip pa din tungkol kay likod-genic na gentleman na gumising sa tamad kong utak na tamad mag-isip. Ang gulo ng sentence pero mas magulo ang isip ko.

Binuksan ko ang Fb account ko. katkat26@yc. password: **********. Log in.

Deadma sa notifications na alam ko namang mga invitations sa mg alarong wala akong interes. Status update.

"Sino ka kaya? Sana makita ulit kita. #Naguguluhan". POST.  Walang hashtag sa Fb pero ginawa ko pa yon. Wala lang. Baket ba.

*Mari Jo commented on your status.

"Ano yan teh? Drama mo. Kwento mo sakin bukas yan!"

Si Majo talaga. Isang true friend ko. Isipin mo ha! Handa siya lageng makinig sa mga kwento ko, madalas sa mga napapanaginipan ko. Sabay asar sakin sa "baliw" ako. Tawa. Hataw sa braso. Sabihan ka ng "baliw". True friend di ba?

*Lancy Lance commented on your status.

"Kalokohan na naman yan! Woo!"

Si Lancy Lance. Nakakasuka yung pangalan niya. May 'lancy' pa talaga. Eww. Siya si Lance. May itsura naman pero nakakapikon lang talaga pag babanat na ng pangaasar. Madalas niya kong asarin kaya madalas tinutukso sakin ng mga kaklase namen. Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at sa tingin ko ay mas bagay siya kay Majo na majontot.

Bigla akong napaisip. Sana man lang nalaman ko pangalan niya noh? Para isesearch ko siya sa Fb, iaadd, imemessage, ililike ang mga status at kung ano-ano pa. Pero hindi e. hindi ko nalaman pangalan niya. Miski nga mukha niya di ko naaninag. Yung likod niya lang na gwapo ang natatandaan ko at ang boses niya na medyo tunog malambing na may pagkaangas,

Iniisip nyo kung meron bang gwapo likod? Ewan ko. Basta ganon ang description ko.

Log out.

Goodnight. Goodnight Mr. Dream guy.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon