Day 42. Baanag ng liwanag.

14.3K 168 11
                                    

"Kat! Kat! Gising ka na. May good news ako." maingay at masayang bati ni mama.'

"Mama, ano po ba yun?" tanong ko habang humihikab.

"Kat! My donor ka na! Mamayang tanghali na ang operation mo. Kat, ang saya saya ko. Dininig na ang bawat panalangin ko." sagot ni Mama sabay yakap sakin.

"Donor? Sino po? Pero di ba mama, matagal pa ko sa listahan?" tanong ko.

"Kat, may donor at ikaw ang nakalagay na recipient niya." sagot ni Lola.

"Ako? paano nangyari yun? Sino siya mama? lola?" tanong ko na halos naiiyak na sa tuwa.

"Hindi pa namin alam Kat, pero kung sino man siya hulog siya ng langit. Anak, makakakita ka na ulit." sagot ni mama.

Niyakap ako ni mama at lola at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang tuwa na makakakita na ulit ako.

Dumating si Majo, Lance at Albert sa kwarto. Masayang-masaya sila sa napakagandang balita.

"Makakakita ka na ulit Kat! I'm so happy for you bakla!" sabi ni Majo.

"Tama! Party na!" dagdag ni Lance sabay tawanan naming lahat.

"Kat, sa wakas. sa wakas.." sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ko.

"Yiheeeee. kayo na! Kayo na lumalovelife!" asar ni Majo.

*Time check: 3:00 pm*

 "Miss Kathy Cruz, time for the operation na po." sabi ng nurse.

Niyakap ako nila mama, lola, majo, lance at Albert. Binigyan ako ng lakas ng loob ng mga yakap nila. Dinala na ko sa operating room at isinagawa ang operation. Tumagal ng halos 4 na oras ang operation.

*tik tok tik tok* 

"Mrs. Cruz, congratulations. Successful ang operation. Let's just give Kat time to rest and recover then bukas, aalisin na natin ang benda sa mata niya and she can see again." sabi ng doctor pagkalabas sa operating room kasabay ng tapik sa balikat ni mama.

"Thank you po doc. Thank you." masayang sagot ni mama.

"Thanks to the donor, naging possible ang operation na to." sagot ng doctor.

"Ahh oo nga po pala doc. Sino po ba ang donor? Pwede ko po bang malaman? At doc, ano... hmm... buhay pa po ba ang donor?"

"Come with me Mrs. Cruz." sagot ng doctor. Lumakad papalayo si mama at ang doctor.

Setting: Room 106

"Kat, bili lang muna kame ni Albert ng pagkaen ah. Libre daw niya! Hahaha. Tara na Albert." sabi ni lance.

Lumabas sina Albert at lance at naiwan kami ni Majo sa kwarto.

"Majo. Naaalala mo yung dindrawing ko nung isa pang araw..." tanong ko.

"Ahh. Oo. nakapagdrawing ka ba? Ang hirap maisip na possible pala yung magawa." sagot ni Majo.

"Tama, impossible nga kung iisipin pero... Nang tatlong araw na yun Majo, nakita ko ang lalake sa bawat panaginip ko. Tinantadaan siya ng isip at puso ko at kusang ginuhit n mga kamay ko." sagot ko.

"Alam mo kat, hindi na panaginip ang tawag dyan. true love na ata yan." sagot ni Majo na may kasamang ngiti.

Kinuha ko ang sketch book at ibinigay kay Majo.

"Majo, bukas makikita ko na siya.. Makikita ko na kung sino ba talaga siya.." sabi ko.

"Siya? Siya ang lalake sa bawat panaginip mo Kat. Masaya ko para sa'yo."  sagot ni Majo pagkatapos buksan ang sketch book.

Tinago ko ang sketch book ng pumasok sina Albert at Lance sa kwarto.

"Kaen na tayo! Ang dameng nilibre ni Albert. Sarapppp." sabi ni Lance sabay labas ng mga pagkaen sa plastic.

 "Oh kat, anu yung tinago mo?" tanong ni Albert.

"Ha? Wala. wala. kaen na tayo. Nakakaggutom pala maoperahan.' sagot ko sabay ngiti.

"Aysus! Palusot.com ka pa. Sabihin mo lang, matakaw ka talaga kat-kat!" sabat ni lance.

Nagtawanan kaming lahat habang pinagsasaluhan ang mga pagkaen.

Setting: Doctor's office.

 "Doc, hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang donor ni Kat." sabi ni Mama nakatakip ang bibig habang umiiyak.

 "Mrs. Cruz. That's the truth. It's a great sacrifice." sagot ng doctor.

"Pero Doc, nasan po siya? Nasa maayos ba siyang kalagayan? Buhay pa ba siya doc?" sunod-sunod na tanong ni mama.

 Tumungo ang doctor at hindi nagsalita...

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon