Simula ng realidad.

15.6K 218 19
  • Dedicated kay KathNiel fans
                                    

3 YEARS LATER.


Setting: Park

Kinuha ko ang isang rosas. Sinindihan ito. Pumikit.

"Parang kelan lang ang nakalipas ng makita kita. Masaktan ng marealize na panaginip lang ang lahat. Hanggang sa makilala kita, yung totoo na. Hanggang sa mawala ka ulit tulad ng lahat ng panaginip. Palagi ko pa ring hinihiling na sana makita ulit kita bago ako umalis ng bansa."

"Kat." 

Lumingon ako at nakita si Albert na papalapit sa kin.

"Kat, ok ka lang ba? Tara na? Malalate ka na sa flight mo." sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ko.

"Ok lang ako, Albert." sagot ko na may ngiti.

"Nakapagpaalam ka na ba sa kanya?" tanong ni Albert.

*iling* "Sana alam na lang naten kung saan sya nakalibing. Baka sakaling kaya ko pang magpaalam sa kanya." mahinang sagot ko.

"Mahal mo pa din ba siya Kat? Sa loob ng tatlong taon na ako ang kasama mo, hindi ko pa din ba siya napalitan sa puso mo?" tanong ni Albert na may pekeng ngiti at nangingilid na luha.

"I'm sorry Albert. Hindi ko gustong saktan ka." sabi ko sabay yakap kay Albert.

"Wala yun Kat, Tatlong taon? Apat? Lima? Anim? Isang daang taon? Kaya ko ulit yung antayin. Hanggang sa mapalitan ko siya para sa'yo." sagot ni Albert sabay punas sa nangingilid na luha niya.

"Ano? Tara na?" aya ni Albert.

"Albert, gusto ko sanang magcommute papuntang airport. Gusto ko ulit magcommute bago ko umalis." sabi ko na may kasamang ngiti.

"O siya. Uuna na ko sa airport para ihatid tong mga gamit mo pero bilisan mo lang sa pagcocommute. Bago malate ka."

"Yes sir." sagot ko kay Albert na may kasamang hand gestures. At lumakad na paalis.

Sumakay si Albert sa kotse. Hinintay na medyo makalayo na ko at saka ako sinundan.

Setting: Pedestrian lane

Tumingin ako sa red na stop light. Tumingin sa relo ko. Sa red stop light ulit. Sa relo ko ulit.

"Malalate ata ako nito, 10 minutes na lang flight ko na. *pikit* Sana po magkahimala. Please. Please." 

Toot toot toot.

Sa wakas tumunog na. Indikasyon na para tumawid ang mga tao. Idinilat ko ang mga mata ko.

"Nagkahima......." napatigil ako sa sasabihin ko. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Unti-unting nag-ipon ng luha ang mga mata ko. Di makapaniwala sa lalakeng tinutulak sa wheelchair na  nakabenda ang mata.

Nag-slow motion ang lahat. Lumabo ang paningin ko dala ng mga luha. Pinikit ko ang mga mata ko ng saglit at muling idinilat. Itinawid ng babaeng mukhang nurse ang lalake sa wheelchair.

*dug dug dug* wala kong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko. Walang nakikita kundi ang lalakeng nakawheelchair. Tumalikod ako. Walang iniisip kundi ang kagustuhan kong makita siya... MAKITA SIYA MULI.

Tatakbo sana ako papunta sa lalakeng yun ng bigla kong makita si Albert na nakatingin sa kin.

"Albert?" 

Lumapit sa kin si Albert ng may pekeng ngiti.

Inilapat ni Albert ang kanang kamay niya sa mga mata ko kaya wala akong nakikita.

"Alam mo Kat, etong mga matang to. Siya lang ang nakikita. Simula pa nung maayos pa, si Daniel na. Lalo pang tumindi ng mga mata na niya ang nakalagay sa'yo. Kahit masakit. Kahit sobrang sakit... Kat, magiging masaya ako pag naging masaya ka." sabi ni Albert na halatang nagpipigil ng iyak.

Hinawakan ko ang kamay ni Albert. Tinanggal niya ang kamay niya. At umalis papalayo sa kin.

Umiiyak ako. Umiiyak dahil alam kong nasaktan ko ang taong nagmamahal sa kin. Gusto kong sundan si Albert pero kusang tumakbo ang mga paa ko papunta sa lalakeng nakawheelchair.

""Dan...Dan... Daniel!" sigaw ko. Malapit na ang lalakeng naka-wheel chair at nurse na nagtutulak sa kanya sa kin.

Tumigil ang nurse at tumingin sa kin.

"Kat?" sabi ng lalake. Lumapit ako sa lalake. Lumuhod sa harap ng wheelchair. Hinawakan ang kamay niya.

"Akala ko hindi ko na ulit maririnig ang boses mo Daniel. Akala ko.. Akala ko... Akala ko hindi na kita ulit mahahawakan ng ganito. Hindi na kita makikita.." iyak ako ng iyak.

"Akala ko din Kat, hindi mo na ko makikita. Ang huli ko lang natatandaan ang malakas na pagkabangga sakin. Tapos.. nasa ospital ako. Buhay pa. Pero kailangan ilihim namin ni mama para hindi na maging komplikado ang lahat para sa'yo, para sa lahat.. Kat, patawarin mo ko. Gusto lang kita palaging mapasaya."

Niyakap ko si Daniel. Mahigpit na mahigpit.

"Wala kang dapat gawin para maging masaya ako. Ikaw lang ang nagpapasaya sakin daniel.." Hinawakan ko ang benda sa mga mata niya at hinalikan ito.

"Simula ngayon. Ako naman ang bituin mo. Bibigyan kita ng liwanag sa mga oras ng kadiliman. Mahal kita daniel. Mahal na mahal." niyakap ko ulit siya.

"Mahal na mahal din kita kat." sagot ni Daniel.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon