“wow! Girl…antapang mo pala! I don’t expect you do that kay Dean...”---- Si Jury
I just smiled. “teka, talaga bang ganun kayabang yung lalaking yun?”-----and now I’m interested?oh my God!
“kilala sya dito sa school na ‘to.. nung 1st semester, naging campus prince sya, matalino, mayaman, mabait rin naman yun! Maraming friends here and sa ibang school, he belongs to a wealthy clan, his dad is a mafia boss..”---- bigla akong kinabahan.
“..he’s a gang leader..kaya walang kumakanti sa kanila dito sa school..hindi katulad ng ibang lalaki, walang kahilig hilig sa babae… top 3 student sya sa buong school..”----diretso pa rin sa pagkukuwento si Charlene.
Nawalan na ako ng gana kumain.
Maaga kaming dinismiss; kaso 5 pm pa ako susunduin ni mang Johnny,naglakad lakad lang muna ako sa may hallway, familiarizing myself with my new environment.
I STOPPED.
In front of the bulletin board. Inisa isa kong basahin ang mga memo dun, then next ang mga photos, may mga pictures during college night, contests at kung anu ano pa.
Huminto yung mata ko ng Makita ko ang isang picture, parang pageant yun dahil naka gown at amerikana yung mga tao, sa gitna, nakaupo yung siguro winners. Tinignan kong mabuti yung picture, the one with the blue Americana, yung magandang smile, and the signature hair…si Boy bangs ba to’?
“bago ka dito?”------
Sa pagkabigla ko lumingon, bigla akong nauntog sa baba ng nagsalita.
Tumingala pa ako para Makita kung sino ang pangahas na nagsalita.
Ohlala! 0_______0 ^_________^
Ang gwapo!
Para syang si Apollo sa greek mythology! Mas gwapo pa sya kay Leonardo De Caprio! ^ii^ nakakanosebleed ang kagwapuhan ng isang to.
“sorry.. nabigla yata kita..”----- paumanhin nya; hoooh! Ang gentleman naman nya.
“no.. I’m okay..you’re just too close kaya nabunggo ako sa’yo, my bad..”--- I used my one million dollar smile, ngayon lang kasi ako nakakita ng gwapo, at ang gentleman pa nya, nice catch!
“sorry.. oh by the way, Im Jude, you are?”--- nilahad nya yung kamay nya.
And I shook it. “Aaliyah..”
“wow! Ang ganda naman ng pangalan mo.. Aaliyah..”--- inulit nya banggitin yung pangalan ko, at ang sexy nun pakinggan. My gosh! Na love at first sight ata ako.
“thanks…”
“you’re new here, I suppose… ngayon lang kita nakita eh, okay lang naman siguro kung makipagkaibigan ako sa’yo hindi ba?”---
Ang friendly pa nya!
“yeah, sure.. I’d love to..”----
Ilang minuto rin kami nagkwentuhan ni Jude, kung anu ano pa ang napagkwentuhan namin, naikwento ko na rin ang tungkol sa ideal prince ko, ni hindi nga awkward na kausap sya eh. Before I step into the car, he gave me his number kaya nagbigay na rin ako ng calling card.
I guess I found my perfect prince. ^________^