Pero ng kukunin ko na iyong bear eh...
“Im sorry manong, that bear is for my girlfriend...Kukunan nalang kita Aaliyah ha?”--- nakangiting sabi ni Dean.
It broke my heart.
Assuming ako masyado, hindi naman pala para sa akin.
Bakit ko ba kasi naisip na sa akin nya ibibigay yung teddy bear? Eh may girlfriend nga syang iba hindi ba?!!
Ang tanga mo Aaliyah! Pilit mong sinasaktan ag sarili mo...
Para kang sira para umasa.
Tapos saka ka iiyak iyak, ang eng eng mo talaga!!!
I faked a smile., “no Dean, haha... you don’t have to... I don’t like stuff toys, allergic kasi ako sa mababalahibo...”--- pagkukunwari ko., “let’s go? Sulitin natin yung rides natin!”--- tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin yun.
At pag talikod ko, agad ng bumuhos ang mga luha ko. WEAK!
Sinunod sunod namin yung rides. Nalilibang naman ako kahit papaano, pero hindi pa rin maiwasang masaktan ako sa mga pagkakataong nababanggit nya si Renee.
Ako nga ang kasama nya pero na kay Renee naman ang isip nya.katulad nalang kanina habang nagmemerienda kami.
“bakit burger lang ang inorder mo?”---sya
“my favorite...ikaw bakit may veggie salad ka e hindi ba ayaw mo naman nyan dati?”---ako
“things change...gusto ko na ito ngayon, Renee loves veggies also”---sya
Renee na naman!
O kaya kaninang nakasakay kami sa choo choo train. Yun yung train na pwedeng sakyan kung gusto mong gumala sa buong amusement park.
“nakakarelax no?”--- tanong ko
“yeah...and the place is so cool, how I wish Renee’s here...she’ll surely love it”
Hindi na ako kumibo. Masakit eh!