Lunch break na, hinihintay lang naming 3 si Jude na sunduin kami. Wala na rin masyadong tao sa room, yung si Axel nalang at si Dean, may pinag uusapan sila, parang napakaseryoso.
“hey!Chua..”--- tawag ko kay Dean, gusto ko lang syang komprontahin sa ginawa nyang pamamahiya sa akin kanina sa klase namin.
He just took a glance tapos balik kay Axel yung tingin nya. Napakabastos talaga ng boy bangs na to kahit kalian. Sya nalang yata ang hindi ko pa nakausap ng matino sa buong school na ‘to. Sya nga lang hindi tinamaan ng charm ko eh!
Hindi ako conceited. I know I’m beautiful and irresistible, kaya ako naiinis sa kanya kasi he’s making me feel unnoticeable and I hate it! Nasanay kasi akong lahat ng atensyon nasa akin, lahat humahanga sa akin, lahat nagagandahan. Pero bakit sya parang hindi?
Bulag ba tong lalaking to? O baka naman natatakpan lang ng bangs nya yung paningin nya? Basta naiinis ako sa kanya; that even his presence makes me asar to the bones!
“I don’t know why ang init ng dugo mo sa akin, palagi mo akong ipinapahiya sa klase natin, ano ba talaga ang gusto mo ha? May gusto kaba sa akin at palagi kang nagpapapansin???”---- what??! Nasabi ko ba talaga yun? Nabigla lang ako, i didn’t mean to say those words;
Nagkantyawan yung mga friends ko, pti yung kapapasok lang na iba naming classmates e tinatawanan si Dean, perhaps makakaganti na ako sa lalaking to, kung gusto nya ng laro, then be it! Hah! Wag na wag nya akong kakalabanin baka hindi nya pa ako kilalal!
Well, wala naman nakakaalam sa status ko eh, not even my friends here, bilin yun ng papa ko.
I saw his face turned red; nagbablush ba sya? Hahaha!
“ano? You like me nga no kaya ka madalas magpapansin? I knew it!” then I smirked.
Wala syang masabi, mabuti nga sayo!
“nakadrugs ka ba?”--- sagot naman nya, tapos nginitian nya ako. First time kong nakita ang smile nayun! Sana pala pinicturan ko para may remembrance! Sayang!
“if you feel it that way, then it’s not my fault anymore.. just please be professional nextime, and let me remind you, hindi lang sa’yo tumatakbo ang oras dito, Miss Welland..if you think pagpapapansin yung ginawa ko kanina, then you should start thinking what your grand entrance and high volume ringtone means..”---- dirediretso nyang sabi. Nakakatameme. -_____-
And now it’s my turn to blush. Darn it! Ako pa yata ang napahiya si ginawa ko!
“wag mo sanang pinepersonal lahat ng ginagawa ko sa loob ng room, and don’t be too melodramatic..hindi uso ang masyadong sensitive dito, excuse us!”--- tapos tumayo na sila ng kasama nya at walang lingon likod na naglakad palabas ng classroom.
Maluha luha ako sa kinakatayuan ko! First time ko lang mapahiya ng ganun! How dare you Dean Chua!
Alam ko naming hindi ganun ka offensive ang sinabi nya, pero feeling ko kasi sagad to the bones yung sakit na naramdaman ko, wala pa naman kasing gumagawa ng ganun sa akin, simula ng isinilang ako.
“hahaha! Sinabi nya yun??”----
“anlakas talaga ng loob ni Welland neh pare?”—
“she really irritates me..”--- yun lang ang nasabi ko habang padabog na umupo. Nakakaasar yung babaeng yun!
Ako? May gusto sa kanya? Ahfm! I will never fall for that woman! Maingay. Makulit. She’ll never meet my standard sa babae, she’ll never be a match to my mom! Darn that girl!
Eto pa ang mga kaibigan ko na nang aasar.andito kami ngayon sa headquarters naming; yes! We have headquarters here at school,this a room for us, more like praternity members, pero hindi naman yung mga basagulero; slight lang. Legal sa school na ‘to ang mga gantong organization. I’m just a mere member, ayoko ng mabigat na responsibility kaya hindi ako naging leader.
I’m the vice president, at si Louie ang president
“eh kung pormahan mo nalang kaya chua?”--- si Louie
“that’s bullshit President, she’s not my type.. saka tahimik na ang buhay ko, guguluhin ko pa ba?”---- saka kami nagtawanan. They are the best people I know. Hindi nila ako iniiwan, hindi nila ako pinapabayaan, sa kalokohan man o sa away. We are more like brothers, at kahit na anung sabit, walang iwanan.