Kahit mukhang ayaw nya, umoo nalang sya, tapos kahit sapilitan eh, pumasok pa rin sya sa theatre house; maleficent yung pinili ko! Cartoon based yun! From the story of sleeping beauty! Woooosh~ mukhang ayaw nya pero sumige lang sya!
Bumilib tuloy ako sa kanya!
Front row sa taas kami naupo; katabi ko sya, ang bango naman nya!
Kahit na fully airconditioned sa loob eh parang tumatagaktak ang pawis ko! Anu ba!!! Yung pakiramdam ko parang nawiwiwi na ewan!
Di ako mapakali sa kinauupuan ko!
“you okay?”--- narinig kong sabi ng katabi ko; lumapit pa sya sa tenga ko para madinig ko yung sinabi nya.
“yeah”—ako
Silence.
Tinignan ko sya, nakatingin lang sya sa screen. Ang ganda ng sideview feature nya! Ang tangos ng ilong, tapos ang sexy ng adams apple nya!
“will you stop staring?sayang ang ticket kung hindi mo papanuorin ang palabas!”---
Dati rati maramdamin ako pag ganyan sya sa akin; now i find it sweet. Napangiti ako, at nakita ko rin namang nag smile sya!
“Dean... giniginaw ako”--- which is true! Naalala ko tuloy si Jude nung last time na nanuod kami.
Hinubad nya yung vest nya tapos isinuot sa akin. Whew!!! Hindi man lang nag atubiling yakapin ako! Haayyys! Waah! Honestly, inexpect ko talagang yayakapin nya ako kaya ko yun sinabi! T___T di pala!
Tinignan ko yung kamay nya, parehas na nakabalot ng bandage yun! Haaay.. kinuha ko yun at hinawakan, “Dean...”--- ako
“hmmm?”—sya
Silence.
Hinalikan ko yung kamay nya; sana kahit papano mabawasan man lang yung sakit nun!
“salamat...”--- kahit na malakas yung sound system eh dinig ko yun! Nakakaamaze ang taong to. Ang galing galing nya magcompose ng sarili. Or sa akin lang sya ganyan? Wala na akong nakikitang galit sa mga mata nya.