1 month had past, at sa apat na linggong yun, ni anino ni Dean hindi ko na nakita.
Andaming revelations.
Puro hearthaches.
Ni hindi sya pumunta kahit sa burial ng mommy.
nasaan na kaya sya?
Totoo kayang hindi na sya magpapakita sa akin?totoo bang hindi na nya ako mahal?
Andito ako ngayon sa Louella’s ang favorite dating place namin ni Dean
FLASHBACK
Right after ko lumabas sa hospital, nakita ko si Dean sa harap ng school. Paalis na sya.
“san ka pupunta? Dean please we need to talk..”---habol ko
“I need to find myself...and please lang, wag mo akong hahanapin...ayoko munang Makita ka or kahit na sinuman sa pamilya mo...kung sakaling magkrus ang landas natin, gusto kong umiwas ka at magpretend na hindi mo ako kilala, that way mas madaling makamove on tayo parehas sa mga nangyayari...”---- hindi nya ako tinitignan kaya hindi nya nakikita ang mga luhang malayang tumutulo ang mga luha ko.
Ang sakit sakit ng mga salitang yun lalo at galing sa taong mahal ko.
Tuluyan na syang umalis.
Wala akong nagawa para pigilan sya.
Kahit sguro maglupasay pa ako sa kinatatayuan ko, never na nya akong lilingunin at babalikan.
My knees got weak as my tears gently wet my face.
Durog na durog ang puso ko.
END OF FLASHBACK
Nasaan na kaya si Dean at ano na kaya ang ginagawa nya?naiisip nya rin kaya ako?
Sa dinami dami kasi ng tao sa planet Earth, kaming 2 pa ang pinaglalaruan.
“Aaliyah?”---
Paglingon ko, isang Von Chua ang nakangiti sa akin.
“sir..”
Umupo sya sa upuan sa harap ko at seryoso akong tinignan., “my condolences to you hija...I heard the news that your mother died from an accident...I just arrived yesterday from my Spain trip...”