“Chua!’--- narining kong tawag sa akin. Kasalukuyan kong inaalis yung helmet ko, kakadating ko lang kasi ng school.
Tinignan ko lang yung tumawag sa aki. Yung Jude.
Watta life! Umagang umaga at Monday na Monday sira agad ang araw ko. Pagka nga naman minamalas ka oo!!
“I just wanna thank you pare... mabuti at hindi kana nagpunta nung time na sinagot ako ni Aaliyah... mabuti naman pala at nagkakaintindihan tayo... maganda ka naman palang kausap eh”--- sabi nya; aba’t talagang nambubuwisit ano?
“I have my own reasons why I didn’t show up that time, hindi ko yun ginawa para sayo or kahit na kanino pa...just make sure na hindi mo sasaktan si Princess, because if you do, babawiin ko talaga sya sayo...”---- yun lang ang sinabi ko saka ko sya tinalikuran.
“salamat pa din sayo...at wag ka mag alala, hinding hindi ko sasaktan si Aaliyah... and..”--- may pahabol pa sya... “and i wont let your father, and your father’s men to hurt her... not even the strand of her hair...”---- bigla akong naalarma; paao nyang nalaman yun??! Napatingin ako sa kanya.
“...paano kong nalaman?... simple!...im the son of great Tommy Santillan... ang mortal na kaaway ng tatay mo... ni Von Chua...”--- lalo pa akong nabwisit sa pagngisi nya.
“...at alam ko ang motibo mo kay Aaliyah, kaya kung ako sayo, lumayo layo kana, hindi ako mangingiming sabihin sa kanya ang motibo nyo ng tatay mo pag hindi mo pa sya tinigilan!”---- banta nya; no! Inagawa ko to para protektahan sya, hindi na nya kailangan pang malaman ang totoo.
Dumiretso ako ng lakad,pero ang isip ko, nakapako na sa mga salitang binitiwan ni Jude. Darn it! The situation is getting worst!
Pagdating ko ng classroom, andun na silang lahat, pati si sir andun na; nagulat pa nga ng Makita ako, first time ko lang atang malate. Walang kibo akong naupo sa vacant seat sa likod, ayoko muna ng kausap. Argh ansakit ng ulo ko sa pag iisip.
Nagbigay pa ng surprise quiz, pero kahit isa wala akong nasagutan. Walang ibang laman ang isip ko kundi yung sinabi ni Jude, at kung paano nya nalaman ang tungkol kay Princess;