“WHAT??!! You kidding right?”---- I heard him almost screaming at her face.
“Hon..calm down okay? It’s just a little problem, I can manage... babalik naman din ako agad eh”
“I really don’t get it...sasamahan nalang kita, sabi mo naman saglit ka lang dun...”
“Dean wag ka ng makulit okay? Don’t worry I can take care of myself, saka wag ka mag alala... hindi naman ako manlalalaki dun eh... ang mabuti pa, pagbutihin nyo ni Aaliyah ang pagbalik ng memory mo para naman pagbalik ko eh wala na tayong problema, okay ba iyon?”--- she held his hand. Alam kong ginagawa nya ito para sa akin.
Renee, you’re such a nice friend.
“kailan ka babalik?”
“Dean!!! Ikaw talaga! Dindi pa ako nakakaalis no! Haha!”
“I will miss you”---- parang kinurot ang puso ko sa mga katagang yun mula kay Dean; yung mga tingin nya kay Renee, punong puno ng pagmamahal, ng longing...mas malalim yung nararamdaman ko sa mga mata nya ngayon kaysa nuong ako pa ang tinitignan nya ng ganun.
Tumingin pa sa akin si Renee bago sumagot, “I will miss you, too hon...”--- and then they hugged.
“san mo una gustong pumunta?”--- I said smiling. Ito ang unang araw na kaming dalawa lang ang magkasama.
Nakasakay kami sa kotse ko.
Sya malayo lang ang tingin nya.
Mukhang hindi nya ako narinig, kaya, “san mo unang gustong pumunta?
He looked at me. Ang blank ng expresson nya. Wala akong mabasa. Ni hindi ko mahulaan kung anong iniisip nya.
“kahit saan”---- walang kagana gana nyang tanong. I know he misses Renee.
“uh--- alam ko na!”--- I started the engine. Dadalhin ko sya sa amusement park kung saan nya ako unang dinala. Alam kong may magandang alaala sya dun dahil sa mama nya.
“what are we doing here?”
“it’s your favorite place...this is where your mom brought you before when you are sad and afraid, you told me that...”--- I said smiling at him.
“really? But this place is really...sad.”
“wala ka ba man lang naaalala na kahit ano sa amusement park na ito?”
Silence.
“Im sorry Aaliyah... I—I really cant concentrate, nasa Spain ang isip at puso ko...”
Ang sakit ng sinabi nya, sa totoo lang gusto ko na talagang sumuko. Ayoko na syang ipaglaban at ipush na maalala ako,