Blaggggssshhh
Sabay kaming napalingon ni Charlene sa pinanggalingan ng ingay.
Sa sahig may basag na bote ng champagne.
Nakalagay yun sa tray at may mga basag na baso.
“i---i uh...I’m sorry, I was careless, haha!”--- si Renee, unconsciously shaking...she was trying to pick the broken glass.
“hey! Be careful!”--- nilapitan sya ni Charlene, ako napaupo sa couch.
Narinig ba nya?
Narinig kaya nya ang pinag uusapan namin ni Charlene?
Bakit nya nabitawan yung tray na hawak nya?
May narinig ba sya?
Narinig kaya nya? Napaparanoid na ata ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Ayokong magduda sya. Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin.
Natatakot akong lingunin sya,
Ayokong tignan sya
Ayoko syang makausap
Naduduwag na naman ako.
Bago ako pumasok buo ang desisyon kong umamin na, pero bakit naduduwag na naman ako?
Ngayong kaharap ko na si Renee, bakit parang umatras ang dila ko?
Ayokong sabihin sa kanya dahil alam kong masasaktan din sya; sobrang buti nyang tao at magiging unfair ako kung ngayon ko lang sasabihin sa kanya ang totoo.
Naging kaibigan ko na sya at masasabi kong napakabait nyang tao. Wala naman syang pinakitang hindi maganda sa akin.
“is it true?”--- I heard a broken voice.
So it’s true? Narinig nya nga ang pinag usapan naming 2 ni Charlene?
“just tell me, Aaliyah...totoo ba?”---
I nod absentmindedly.
“w---why... why didn’t you tell me? W---why?”--- I know she’s crying; wala akong magawa. I don’t mean to hurt her pero eto na... nasasaktan ko na sya eh
“sorry..”