chapter 49-operation:making him remember me

72 3 0
                                    

2 days mula ng makapag usap kami ni Renee, eto kami ngayon, Dean, Renee and I sa dati naming school. Wishing to see people na kakilala pa namin.

This is the first day of “bring back his memory” operation namin. Wag na kumontra! Si Renee ang nakaisip nyan!

Una naming pinuntahan yung library, yun kasi ang paboritong tambayan nya dati.

“wow! Devo Chua ikaw naba yan ha?!”--- si sir Sonny, yung acting librarian.

“Sir..”—ako, “andito ho kami to ask for help..kasi”----

“i’m sorry sir kung hindi ko kayo nakikilala ngayon, I lost my memory...maybe you could help me remember something”--- singit ni Dean

Hinayaan lang kami ni Sir na igala si Dean sa buong library hoping he’ll remember something, pero it’s a futile attempt.

Sunod kaming nagpunta sa mga classrooms,mabuti nalang at walang masyadong students.pero ni isa wala pa rin syang maalala.

Sunod kaming nagpunta sa headquarters nila dati. Wala naman yun masyadong pinagbago. Sa wall may mga posters na nakapost.

Sa built in bulletin board may nakapost na mga pictures. There I saw hope. Kasi sa board na iyon nakapin yung mga pictures at information sa mga members at bosses ng organization.

Hinanap namin yung year kung kailan naging member si Dean. And we found it. May mga photo collage dun na nakapost at nakita namin yung mga picture niya kasama sila Louie.

“I---I remember something about a bloody fights..ugh!”--- si Dean massaging his head.

“you’re a gang member that’s why”--- I answered

“I think I don’t wanna remember anything at all...I hate gangs!”----

May parang kumurot sa puso ko.

Sunod naming pinuntahan yung malapit na park sa school. Dito mismo sa kinatatayuan namin, dito ko sinagot si Jude dahil hindi ako sinipot ng lalaking to.

Nakatitig lang ako sa likuran nya, sa likod nilang 2. At sa mga kamay nilang magkahawak.

Napakasakit isiping baka Malabo ng mahawakan ko ang kamay na iyan. Kasi ramdam na ramdam ko kung gaano sya kamahal ni Dean, ang lalaking mahal na mahal ko.

Kahit ayoko sa ulan, ngayon ang tanging hiling ko ay bumuhos ang malakas na ulan.

Kasabay nun ang pagpatak ng mga luha ko. Ayokong Makita nilang lumuluha ako dahil alam kong magtatanong sila at hindi ko alam kung mapipigilan ko pang hindi sabihin ang totoo.

Renee is my friend now, ayoko syang masaktan; at si Dean? Alam kong mabalik man oh hindi ang alaala nya alam kong Masaya na sya ngayon sa babaeng kasama nya.

The only thing...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant