Dean’s POV
Pauwi na ako, sakay ako ng motor ko, pero bago ako dumiretso sa bahay eh dumaan muna ako sa isang department store to buy some stuff.
Beer.
Cigar.
Food.
Pagkabayad ko sa counter eh lumabas na ako. I lit a cigarette. Sumandal lang ako sa motor ko, tapos nakita kong palabas naman sa kabilang kalsada, sa salon yung 3 kong kaklase na babae, alam nyo na kung sino yang mga yan!
Wow! New hairstyle huh! Tapos nung sasakay na sana sila sa sasakyan ni Welland eh bigla nalang may dumaang kotse. Ang bilis ng pangyayari eh! Isang iglap eh naisakay na nila si Welland, yung driver nya eh pinukpok ng baril nung isa! And then I realized it was kidnapping!
Yung 2 kasama ni Welland e hindi man lang nakasigaw at nakatawag ng saklolo. They are beyond scared!
Damn!
Sumakay ako sa motor ko,ni hindi ko nga naikabit yung helmet ko! Patay ako sa pulis neto! Paro hindi ko nayun naisip! Ang nasa isip ko e habulin yung puting kotse na kumuha kay Welland! Ewan ko nga rin kung bakit ko hahabulin!
I drove 120 now, at malapit na ako sa kotseng puti. Mabuti nalang at walang masyadong sasakyan. I drove faster hanggang sa mauna na ako sa kotse.
I turned right.
Then stopped.
Screeeeeeeeeeeccchhhhh!!! Motor ko yan! Pati yung sasakyan na puti humito, halos tumilapon yung motor ko sa lakas ng impact ng pagbangga ng kotse dun! Mabuti nalang at nakatalon ako agad kundi dedo na ako ngayon!
Agad akong tumayo at lumapit sa kotse. I just punch the car’s window and opened it. I don’t know why I reisked my life for this!