Gusto ko na nga sagutin si Jude, kaso nagdadalawang isip ako ngayon, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dati rati pinapangarap ko na magustuhan din ako ni Jude, pero ngayon parang ayoko. Hah ewan!
Tahimik akong nanunuod ng naglalaro ng basketball, pustahan kasi sila Jude and his friends. Ako namn cheer cheer lang. Wala sina Jury dahil maagang umuwi.
Haay, ang boring naman.. mas gusto ko pang umuwi at manuod nalang ng t.v. ayoko talaga ng basketball, ang super boring!
Haaab.. hikab ko.
Inaantok na ako.
Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin, tapos may ibinulong. “hawak nmin si Chua, kung gusto mo pa syang makitang humihinga, sumama ka sa amin”--- tapos umalis na sya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tinignan ko si Jude, tapos I carried my bag palabas sa school, sumama ako sa lalaking hindi ko naman kilala! And I don’t know kung bakit ako sumama!
Eh ano naman kung nasa kanila si Chua??! Mafia member yun! He can take care of himself!
Pero...
Ilang beses na rin nya akong iniligtas!
Ahhh! Bahala na nga!
Dean’s POV
Hahahaha! Narinig kong tawa sa paligid. May blindfold pa din ako. Nakaposas sa likuran ang mga kamay ko, at nakatali naman ang mga paa ko.Ang huling tanda ko, kasama ko sila Axel na nakatambay sa tapat ng school, tapos bigla nalang nagkagulo. May mga lalaking lumapit sa amin.