To: Dean
>Please let’s meet tonight..
Delete.. delete...
Tapos compose ng panibago.
>How are you?
Delete...delete...
Argggh!!! Hindi ko na dapat sya tinetext! Dapat nga hindi ko na sya iniisip eh!!!
Matagal kong tinitigan yung cp ko. After 20000000 years eh, kinuha ko ulit nagsimulang magtype ng message, promise last na talaga to! Kung anuman ang magiging result ng katangahan ko na to, then be it!
To: Dean
>let’s meet tonight. 7m, Louella’s.. (restaurant yun malapit lang.)
Tapos nag sign of the cross pa ako bago...
Sent...
Wahhhh! Wala na, nasend ko na, hindi ko na pwedeng bawiin yun! Ang tanga ko naman bakit ko ba sinend yun! Ano nalang ang sasabihin nya?paano kung wala naman talaga syang pakialam sa akin? Paano kung bigla nyang sabihing “i don’t want to...” siguradong madudurog ang puso ko! sana lang, maganda ang maging resulta. Sana.
Sorry Jude.
6pm nagpaalam ako kay mommy na bibili lang ng bond paper; err.. ang corny naman ng paalam ko.
Nakarating ako sa Louella’s ng 6:30. Naupo ako sa bandang sulok, dun ko hihintayin si Dean.
Dean... please dumating kaT____T
Dean’s POV
I was sleeping , drunk, when my cellphone vibrates.
Dammit!!! Sino ba tong siraulong nagtext sa akin???