chapter 57- REMEMBER ME: day 2

91 1 0
                                    

1 message received

From: Dean

Thanks Aaliyah for bringing my friends together...

“haaay...Dean...kailan ba babalik ang dating Dean?”--- Im talking to myself, pakshit! Nababaliw na ata ako.

Nahiga ako sa tabi ni Lian.

“anak? Alam mo ba? Dumating na ang daddy mo...kaya lang, may iba na syang mahal eh..”---hinaplos ko iyong buhok nya; ang himbing ng tulog ng baby ko. Kung alam ko lang sana kung paano sabihin sa kanya ang sitwasyon namin ng daddy nya, e di sana hindi ako nahihirapan ngayon.

“baby..im sorry,(sobs).. im sorry kung hindi man lang kita mabigyan ng magandang pamilya...ng isang daddy...sorry anak ha?(sobs)...akala ko kasi matutupad ng daddy mo iyong promise nya sa akin eh...akala ko kasi babalikan nya ako...(sobs)”

Mataman kong tinignan si Lian. Ang ganda nya. Her eyes, they are greyish.. nakuha nya iyon kay Dean. Ang tangos ng ilong nya, match na match sa lips nyang maliit. Siguro kung nagkatuluyan kami ni Dean, siguradong Masaya kaming tatlo.

Pero...

“mahal na mahal kita anak...sana maging sapat na sayo si mommy ha? Kasi...(sobs) kasi baka...baka hindi na kami magkabalikan pa ng daddy mo eh...sorry anak.. sorry...”

I hugged her tight. Iyak lang ako ng iyak.

I really don’t know why until now eh hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na hindi na ako mamahalin pa ni Dean; he has Renee.

Dati naman, lumilipas lang ang araw ng hindi ko sya gaanu naiisip. Tatlong taon akong nagpakatanga na naghintay.

Tatlong taon hindi ko sinubukang tumingin sa ibang lalaki, or humanga man lang; kasi ang buong akala ko kami pa rin ni Dean hanggang sa huli; pero akala ko lang pala yun.

Isang maling akala.

MALING MALI.

“Aaliyah..”--- ang boses na iyon.

I turned around and saw him smiling. Ang gwapo nya pa rin talaga.

The only thing...Where stories live. Discover now