Chapter 5: A cup of karma

18.7K 740 58
                                    

Section 4-A

Pumasok na ako sa section ko. Iyon kasi ang nakalagay sa folder.

Buti nalang hindi parehas sa US na ikaw ang lilipat sa classrooms. Dito, ang mga teachers mismo ang papasok sa room namin. That means less walking for me.

Pagkapasok ko ay lahat ng atensiyon nila ay nasa akin.

"Yo nerd, bakit di mo nalang dinalawang buwan iyong pag-absent mo, nakakasawa parin tingnan yung mukha mo." sigaw ng isang lalaki dahilan para tumawa silang lahat.

Di ko na pinansin at dumiretso sa pinakalikod na upuan. Iyon talaga ang paboritong upuan ko sa saan mang parte ng room.

Noon, binubogbog ko talaga ang kung sino mang magtatangkang umupo sa pwesto ko. Buti nalang at di ko na kailangan mangbugbog ngayon dahil saktong walang naka-upo.

Inilapag ko na iyong bag ko sa sahig at yumuko sa desk.

Nakarinig ako ng bulong bulungan pero di ko nalang pinansin.

Wala akong mapapala kung makikitsismis ako sa kanila.

Maya maya ay tumunog na iyong school bell at nagsipasukan na ang ibang mga estudyante.

Nagsimula ng mapuno ang room pero wala pa iyong teacher kaya nanatili akong nakayuko sa desk.
All these pretending makes me tired.

Humikab ako at iidlip na sana ng namalayang tumahimik iyong paligid.

Hula ko ay dumating na iyong teacher but since I don't really care nanatili akong nakaidlip sa desk.

Talagang tahimik iyong paligid, ang tangi ko lang na naririnig ay ang tunog ng yapak ng sapatos. Palapit ng palapit ang tunog hanggang sa tumigil ito malapit sa akin.

Narinig ko nanamang nagsibulungan ang mga tao sa paligid kaya napaupo nalang ako ng maayos pero pagtingin ko sa kanila ay lahat ng atensiyon nila ay nasa akin.

Napalingon ako sa kaliwa ko at medyo nagulat ng may lalaking nakatayo sa gilid ko. Pero ang mas nagpagulat sa akin ay nang marealize na siya pala iyong nakabanggaan ko kanina sa hallway, ni hindi nga siya huminga ng patawad. Bastard.

He was glaring at me habang nakapamulsa.

"What?" diretso kong tanong. For some reason, nagiinit ang ulo ko sa kanya.

Sa halip na sumagot siya ay sinamaan parin niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh my god, who does she think she is? Nasisiraan na ba siya ng bait?"

"I know right, bumalik lang siya dito gumaganyan na?  The nerve!"

"Tinarayan pa niya si Cole, that nerd is so stupid talaga, akala ko ba matalino siya. She should know better than to mess with the King."

Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig kong mga bulong-bulungan mula sa mga kaklase ko. Anong 'King' ang sinasabi nila? Sa pagkakaalam ko ay democracy pa ang Pinas.

Nabalik ang atensiyon ko sa lalaking nasa gilid ko nang sinipa niya iyong paa ng inuupuan ko.

"Get the fuck out of my seat."

"I had it first. Bakit ako aalis." pagmamatigas ko.

Nawala na sa utak kong ako na si Eliza, mapride akong tao at ayaw kong magpatalo lalong lalo na sa tarantadong to.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon