Chapter 8: Unfortunate Encounter

18.3K 774 52
                                    


The thing that pisses me off the most in the world are dumb people and Grace's deaf tone singing. Pero sa araw na ito ay pumapangalawa lang iyon sa listahan ko. Kaninang umaga, I recieved an anonymous text from an unregistered number.

-----

I know who you are...not"

09XXXXXXXXX- Unknown Sender

-----

Agad napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang text na to pagkagising ko sa umaga.

My mood instantly went downhill. Hindi ako sigurado pero may kutob akong may kinalaman ito sa pagpanggap ko bilang si Eliza. Maaaring alam ng taong ito na hindi ako si Eliza.

I tried dialling the number countless of times pero kung di naman cannot be reached ay palagi lang nagriring.

I started bombarding the bastard with text pero iisa lang ang lagi niyang inirereply---

'I know who you are...not'

As much as it pisses me off, it also gave me goosebumps. Maaaring may nalalaman siya tungkol sa pagpapanggap ko. Pero paano? And how the hell did that bastard got my number?

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom nang pakiramdaman kong may nagmamatyag sa bawat galaw ko.

Kinikilabutan ako dahil possibleng iyong nagmamatyag saakin ang nagpadala ng text na iyon. Pero baka rin paranoid lang ako. It must be someone from my hometown in the States who's playing a prank on me.

Pero tila kumukontra talaga ang tadhana sa iniisip ko nang biglang tumunog iyong phone ko at nakatanggap ako ng text mula nanaman duon sa anonymous number na nagtext saakin noon.

Napasingap ako ng makita ang laman ng mensahe niya.

Litrato ko ito na nakatalikod. Hindi ito kinunan kahapon o noon kundi ngayon talaga sa mismong kinatatayuan ko. Suot suot ko iyong bagong backpack na ngayon ko lang sinuot at ang uniporme ng Ironhead University. Someone took it at nasa likuran ko lang.

Napatalikod kaagad ako pero wala namang nakatingin sa akin. Everyone in the hallway are minding their own businesses, wala namang kakaiba. I took one last look before facing back. Naiirita na ako pero natatakot na rin. It's creeping me out. Pakiramdam ko may nagmamasid sa bawat galaw ko.

Damn, I got to stop watching those crime scene investigation series, nakakabaliw rin pala.

Ayokong ipagsabi ito kay Coreen. Pagnalaman niya ito, malamang pagsasalitaan ako nun. Isang araw pa nga akong nandirito ay bistado na agad.

Habang naglalakad ako ay palagi na akong lumilingon sa likod ko. Di ko namalayang tumahimik ang buong paligid at may nabangga akong tao. I was constantly eyeing my back di ko namalayang may mababangga pala ako, to make it worst, iyon pa talagang Cole na naghahari-harian. Hindi ko alam ang pangalan niya but I hear them calling him by the name.

I met him eye to eye. Nawala na bigla sa isip ko iyong text na kasalukuyang gumugulo sa akin.

Tumahimik ang paligid at parang nag-aabang kung anong susunod na mangyayari. Nagtitigan kami na para bang ang kukurap ay talo.

"What? Wala ka bang planong umalis sa dinadaanan ko? " sabi niya habang nakapamulsa.

Simpleng engkwetro lang ito pero halos lahat na ng atensiyon ng mga studyante sa hallway ay nasa amin. Malaki talaga ang hatak ng lalaking ito sa madla.

I pursed my lips tight at inisip ng maigi ang susunod na hakbang. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos, that text was somewhat of a warning. Kung papatulan ko ang tarantadong to ngayon, they'll think something's wrong with me and stick their nosy noses on me more and I can't afford that. Mahirap na nga itong nagpapanggap akong malayong malayo sa katauhan ko ay magpapadagdag pa ako ng problema kung sakali man.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon