Dinala niya ako sa parking lot papunta sa sasakyan niya.
"Sa'n mo nanaman ba ako dadalhin?"
Napansin kong kumakapal na iyong mga ulap at dumidilim na rin iyong kalangitan.
"Malapit nang umulan, san mo ba ako dadalhin?" Ulit kong tanong.
"Let's go. " Maikli niyang sabi at pumasok sa kotse niya. Napabuntong hininga nalang ako, kailan pa ba ako masasanay, he really never tells me where we're going everytime he drags me into his car.
Wala na akong nagawa pa kundi sumakay na sa loob.
Umupo ako sa front seat na nakabusangot ang mukha pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan.
"Ano pa bang hinihintay mo?" I crosses my arms across my chest.
"Seatbelt." Maikli niyang sabi.
"Tinatamad ako, tara na."
"Put your damn seatbelt on."
Dahil nairita na rin ako sa kanya ay nanatiling matigas ang ulo ko. "Ayoko nga."
"Damn it." He cursed. Tinanggal niya iyong seatbelt niya at nilapitan ako. Sobrang lapit niya sa akin kaya naitinulak ko siya palayo. I felt out of breath at mabilis na kumakabog iyong dibdib ko.
"Fine! Magse-seatbelt na ako. Just keep your distance." Pagtataboy ko sa kanya at agad-agad na nilagay ang seatbelt ko.
Nung kuntento na siya ay minaneho niya na palabas sa campus ang sasakyan. Mayamaya pa ay huminto kami sa isang convinience store. Ito yung kinainan namin ng noodles noon.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Gutom ako."
"May cafeteria sa eskwelahan baka nakalimutan mo." Nakapameywang kong sabi.
P-in-ark niya ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Mauna ka na." Sabi niya.
Napaikot naman ako ng mata at pumasok na sa convinience store at ilang saglit ay sumunod na rin siya.
"Noodles." Mabilis niyang sabi habang pumipili kami ng makakain. Para siyang bata na sinama ng mama niyang mag-grocery.
Napabuntong-hinininga nalang ako at kukunin sana yung cup noodles nang may makita ako sa gilid ng mata ko.
Napangisi naman ako at kinuha ito. I took two, isa para sa akin at isa sa kanya. I saw this in a famous vlogger's challenge kaya gusto kong subukan saka gusto ko ring malaman kung ano ang reaksiyon ng lalaking ito na mangmang sa mundo ng instant foods.
Umupo na kami at naghintay na i-serve sa amin iyong pinamili namin since it's part of their service. Nadismaya nanaman ako ng muli akong magtanong kung may chopsticks sila pero wala talaga.
Mayamaya ay dumating na iyong 'samyang' namin. Yup, that red spicy noodles. Kaya ko ngang kumain ng dalawang extra hot and spicy na pansit canton na walang tubig tubig, ito pa kaya, how hard can it be.
"Here."
Nagulat ako ng may inabot siya sa akin. Chopsticks! Hindi ko alam saan ito galing pero wala na akong pake but it's really cool how he got some.
"Nice!" Nginitian ko siya ng matamis. "Itadakumasu!" I held my chopsticks and ate a mouthful the same time he did.
Sa oras naisubo ko iyong noodles ay nanlaki ang mata ko. Nagkatingin kami at pareho iyong reaksyon.
"Fuck!" Sabay naming bulalas.
Ang anghaaaaaaaaaang!
Pero kahit ni isa sa amin ay walang nagtangkang idura ang isinubo kahit nanunubig na iyong mata ko.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...