Chapter 31

13.8K 574 30
                                    

The next day, balik sa buhay nerd na naman.

Pagkatapak ko palang sa gate ng eskwelahan ay biglang may umakbay sa akin.

"Morning Eli." masagana nitong bati.

"Yeah." tipid kong sabi.

Ramdam ko namang napalabi siya. "Eli! Saan ka kahapon? Hinanap kita sa room mo pero wala ka ron?"

"I skipped class." simple kong sabi.

Natigilan naman siya sa paglalakad at tinignan ako na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo. "Namali yata ako ng rinig. Paki-ulit."

Inikot ko yung mata ko tsaka nagpatuloy maglakad, humabol naman siya. Inakbayan niya ako nang makasalubong namin si Yohann.

Nagkatagpo kami ng tingin ni Yohann. Pansin ko iyong tingin niya sa akin. He was intently looking at me.

Nagpanggap naman akong hindi siya nakita at nilampasan na lang.

"Hey! Eli, you skipped class. I'm so proud of you. Sunod naman imbitahan mo ako." rinig kong talak ni Hyron kaya muling nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Nasa harap na tayo ng room mo. Pumasok ka na." sabi ko kay Hyron.

Umiling naman siya. "Ihahatid muna kita sa room mo Eli, gentleman ako." He said as he puffed his chest.

Sinamaan ko naman siya ng tinginat mukhng natakot naman.

"Hehe, may assignment pa pala akong di nagagawa, sige pasok na ako." sabi niya at mabilis na pumasok sa room.

Naglalakad ako sa hallway ng pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Nang may tumapik sa balikat ko ay bahagya akong nagulat. Nilingon ko ito at nakita si Yohann na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano?" sabi ko habang blankong nakatingin sa kanya.

Hindi ko mabasa anong nasa isip niya pero mukhang seryoso.

"May gusto sana akong pag-usapan." sambit niya sabay ngiti ng tipid sa akin.

Tumango naman ako.

May kutob ako kung tungkol saan ito pero ayaw kong aminin.

Sinundan ko siya papunta sa isang bakanteng silid.

"Anong kailangan mo sa akin?" Diretso kong tanong nang masiguradong walang ibang tao sa paligid.

Ipinakita niya iyong ibinigay kong panyo.

Matagal kong tinignan iyon bago maintindihan ang ibig sabihin niya.

"Aanhin ko naman yan?" walang kaemosyon emosyon kong sabi hiding the fact that I'm feeling fucked up. Mukhang naiwan ko sa kanila. Mainit kasi sa kanila kaya inilabas dahil pawis na pawis ako. Nakalimutan ko pala dun.

Nginitian niya naman ako.

"Nakita mo naman lahat ng mga medals at trophies ko sa bahay diba. Hindi lang yun props. Hindi ako bobo. Miss Byutipul."

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo? Leave me alone. Kung ano man ang ibig mong iparating, wala kang makukuha sa akin."

Napakuyom naman ako ng kamao ko sa loob ng bulsa. Shit, bakit ba buking na naman. Akala ko mdali kang toh.

"Wala ba talaga? This was the one you offered to me when I was beaten by William, pano ba toh napadpad kay Don?" sabi niya na parang sinusubok ako. I didn't expect this from him.

Nagkibit balikat naman ako.

"She could just have the same design as mine." I said while maintaining my cool, if I crack now, mahahalata niya.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon