Napatulala ako sa kisame sa ibabaw ng kama ko thinking about my life's choices.
Wala akong ganang bumangon mula nung umuwi ako kahapon. There's nothing fun to do at naubos ko na iyong antok ko kakatulog.
I continued to stare at the ceiling at walang ibang ginawa kundi paulit ulit na sinasabing ang bobo ko. Mas malala pa nung nagluto ako ng sunnyside up na walang mantika at itinulak ang pinto sa McDo na ang sabi ay 'pull'.
Napasuntok ako sa unan ko. Ang paasa talaga ng hinayupak na iyon. Bobo ko lang dahil nahulog ako. Kumirot na naman ang dibdib ko.
Di ko mapigilang sampalin ang sarili ko. Snap out of it Helena! Walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito.
Kailangan ko ng mapagkakaabalahan dahil pakiramdam ko pag nagtagal to ay mababaliw ako. Gusto kong lumabas. Magpapahepatitis ako sa pagpapakasasa sa mga street foods. Tama!
I wore Eliza's get-up with my dark blue hoodie and decided to just walk through the gate. Mas humigpit kasi ang seguridad sa buong mansyon dahil muntik na akong mahuli kagabi pagbalik ko. My mind was a mess back then at di ko nakitang may rumoronda palang security guard. Napagkamalan akong tresspasser pero buti nalang di ako nahuli.
Nang papalabas ako ay nagtataka lang na nakatingin sa akin ang mga kasambahay. As usual, wala ang mga magulang ko kaya malaya akong makalabas at walang makakapigil saakin. The guard at the gate was convenient, I just bribed my way out.
Matapos ng ilang minutong paglalakad ay napunta na ako doon sa mga nagbebenta ng mga street foods.
Lumapit ako sa isang stall dahil natakam ako sa amoy ng barbecue.
To my surprise, nakita ko doon si Maxim. Lalapitan ko na sana nang mapansing may kung ano itong pinagkakaabalahan or rather sino."Magandang gabi muli binibini." bungisngis nito at may dala dala pang bulaklak na agad ikinataas ng kilay ko.
Lumapit ito sa babaeng nagtitinda ng barbeque at inabot ang bulaklak dito pero di man lang nito tinanggap. Tinanggal ko pa iyong salamin ko kung totoo ngang si Maxim ang nakikita ko.
"Lumayas ka dito Maximilian Aragon, walang maganda sa gabi ko pag dumadating ka." wika nung babae.
"Talagang wala ng maganda sa gabi binibini, kinuha mo na lahat."
Nalaglag iyong panga ko, kung di lang sinabi ng babae iyong pangalan niya ay di ko papaniwalaan ang nakikita ko.
"Lumayas ka, Aragon. Wala kang makukuha sa akin."
"Iyong puso mo binibini kukunin ko."
"Taena Aragon, marami kaming lamang loob na binibenta. Baka gusto mo kunin ko iyong sayo." Sinamaan siyang tingin nito at tinutukan pa ng barbeque stick.
"Di mo na kailangan pang kunin binibini, nasa iyo na ang puso ko pati katawan ko iyong-iyo na."
Napalinis ako bigla ng tenga. Totoo ba tong nakikita at narinig ko? Alam kong may pagkamakata itong lalaking to pero di ko inasahang aabot sa ganito. Halos lahat yata ng sagot niya ay banat.
"Alam mo, may napanaginipan ako kagabi, totoong totoo talaga. Nakatayo ako sa isang mataas na gusali tapos nahulog ako...sayo."
Umasim naman iyong mukha ko. Nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya di sinasagot.
"Tse!" I just smirked when I saw that she had a blank look on her face pero namumula iyong tenga niya.
"Kiligin ka na man MC! Isang taon na akong nanliligaw sayo, nauubusan na ako ng banat." sabi ni Maxim na nagkakamot na ng batok.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...