When our eyes met it felt like all my senses went numb with only the feeling of his gaze on me. Tumatayo iyong mga balahibo ko habang nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil sa kawalan niya ng ekspresyon. I'm confused, bakit ba siya nagpunta rito?
Hindi ko maiwasang mapalunok habang humakbang siya papalapit sa akin.
"B..bakit kayo nandito?" pautal-utal kong tanong habang di ko namamalayang napahakbang na pala ako paatras.
Cole calmly looked at me as he continued to walk closer. Blangko parin iyong expression niya pero kita ko iyong pagtiim ng bagang niya. Ilang hakbang nalang ang pagitan namin ng humarang sina Stanley at Derrick sa amin.
"The lady asked a question, dude. Don't you think you should answer it?" giit ni Stan.
"What's your business here?" untag naman ni Derrick. Ramdam kong bumigat ang tensyon sa paligid. I know Derrick and Stan are just being protective of me.
Sa halip na sagutin niya ang mga ito ay diretso lang siyang tumingin sa akin. "I need to talk to you." His voice sent my heart on a rampage. He easily sidestepped both Stanley and Derrick.
I was still shocked on how quickly he crossed the distance between us nang bigla niya akong binuhat at inilagay sa balikat niya na parang sako. "What the! Cole!" bulalas ko.
Nagsimula na siyang humakbang na para bang normal lang na may binubuhat siyang tao sa balikat niya. "Teka!Saan mo ako dadalhin?" natataranta kong tanong. It happened so fast, ni hindi man lang ako nakapalag.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya at halip ay ang dalawang ugok pa ang nagsalita at nagtawanan pa.
"Sa langit."
"Sa forever."
I glared daggers at the two na tila ay natutuwa pang pasan-pasan ako ni Cole na parang sako.
Lalapit na sana sina Derrick at Stan sa amin nang harangan sila ng lima, sina Maxim, Ichabod, William, Yohann at Zach.
"Don't worry, it'll be fine." sabi rin ni Lizzy. Kasali rin ba siya dito? Bakit niya sinusuportahan ang mga masasamang pakay ng mga gunggong na to. Isang traydor!
Nagpupumiglas ako at tinawag sina Derrick at Stanley upang humingi ng tulong pero parang wala lang ito kay Cole at hindi parin ako binitawan. Mukhang nakuha naman namin iyong atensyon ng halos lahat ng tao sa labas ng airport. They started pulling their phones out.
"Wag kayong mag-alala hindi to tunay na kidnapping, okay? Isa itong hakbang para sa road to forever para sa mga walang jowang hindi nakakarelate." rinig kong paliwanag ni William sa madlang nakiki-usyoso.
"Sumakay na kayo sa mga eroplano niyo. Wag kayong chismoso. Shoo!" huli kong rinig mula kina William bago kami nakalayo mula sa kanila.
Damn it, nakakahiya.
Tumigil na ako sa kakapumiglas. Nagulat naman ako ng inalis niya ako sa pagkakabuhat niya sa balikat ko pero inilipat lang ako sa ibang posisyon. A bridal carry.
"Cole, let me go." mahina kong pakiusap dahil nakakahiyang pinapasan-pasan niya ako. Nagsisimula nang mamula iyong pisngi ko dahil sa hiya. People are gaping at us.
I felt him getting tense. " Not a chance."
Wala naman akong nagawa kundi takpan iyong mukha ko. Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman kong ibinaba niya na ako kaya inalis ko na iyong kamay ko sa mukha ko. Inupo niya ako sa front seat ng sasakyan niyang convertible tsaka sumakay na siya sa driver's seat. Pinasibad niya na palayo ng airport iyong sasakyan. Buong byahe ay seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Walang nagsalita, wala ring tunog iyong radio kaya purong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Genç KurguQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...