Chapter 2: A Shocking Turn of Events

21.4K 735 124
                                    

Nakasandal ako ngayon sa mga rehas habang pinaglalaruan ang buhok ko.

Being in jail is boring as hell, kahit cellphone ko kinumpiska nila. Tsk.

Nahimashimasan na ako ng alak habang ang iba ay lasing parin. Matapos kasing pumasok iyong mga pulis sa bahay nila Grace ay kanya kanyang takbo na ang lahat.

Malamang may 'concerned citizens' na nagreklamo tungkol sa party dahil sa sobrang ingay at mga minors na umiinom ng alak.

Anim kaming naaresto, kaming apat na magbarkada at dalawa pang lasing na schoolmates namin.

Nahuli kaming lahat na umiinom ng alak maliban nalang kay Grace na inaresto dahil siya ang host ng party at ang nag-allow ng alak sa party kahit minors pa kami lahat.

Magdamag kaming nanatili sa kulungan. Their parents are gonna bail them out eventually and as for me...

"Queen Helena Cruz, you're bailed out!"

Finally, freedom!

Agad akong napatayo at nag-inat. Ang bilis yata ni Nana ngayon ah. Oh well. Ayaw ko naman talagang magtagal pa dito, mabuti na rin iyon.

Malawak kong nginisihan si Officer Roper, ang naglabas sa akin sa holding cell. Frenemies kami niyan dahil pabalik balik lang naman ako rito. What can I say, this bad girl is unstoppable.

Ginantihan naman niya ako ng isang masamang tingin kaya napahagod nalang ako sa batok.

I may or may not have puked on him last night when they arrested us.

Guilty not guilty.

"See yah later losers," paalam ko sa mga kasama ko sa holding cell at lumabas na kung saan naghihintay si Nana sa akin.

Nana's my grandmother on my mother's side. Sa kanya ako pinatira matapos magdesisyon ang mga magulang ko na palabasin ako ng bansa sa edad na siyam. Sanay na siya sa pagpulot sa akin sa police station, parang routine na nga yata ito eh.

I guess I got arrested for a lot of reasons; jay-walking, over speeding, alcohol drinking, trespassing, riot at iba pa. I even stole a car once, isinauli ko naman eh, pero ipinakulong parin ako nung may-ari. Ghaaad, what on earth was I doing, buti nga lang mga minor crimes lang ang mga iyon.

Inihanda ko na ang sarili ko para sa isa na namang matinding sagupaan kay Nana. Last time she bailed me out, inuwi niya akong hila hila ang tainga ko.

"Nana, I swear it wasn't me, I was framed. I've been a good girl--"

"Save your explanations for yourself young lady. Good girl my ass ."

May naramdaman akong parang kakaiba at inilibot ang tingin sa presinto at agad napatanong sa sarili kung pasko na ba. There are two people standing behind Nana. The other one carried me in her womb for nine months and the other one contributed his sperm, they're called parents, I think.

They were giving me a disappointed look, the look I've gotten used to all these years.

Sa halip na lapitan sila at yakapin, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"What a great surprise! I didn't expect both of you here. Gumaling na ba kayo sa selective amnesia niyo at naalala niyong may isang anak pa kayo dito sa America?" sarkastiko kong sabi.

"Helena!" saway ni Nana sa akin na ikinatawa ko lang.

"I'm just kidding, it's not like I hold grudges. I really missed you both. May business meeting ba kayo dito sa America para mapadpad kayo dito?" sabi ko habang nagpapanggap na masayang makita sila pero mukhang hindi ako papasang artista dahil hindi gaanong kumbinsido ang tinig ko.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon