Chapter 37: Her so called Lesson

14K 596 52
                                    


"Bukod sa di ka pa marunong magcomfort, makapal pa ang mukha, ibang klase ka talaga."

Itinawa ko nalang.

"Okay na yung singkwenta. Meron ka pa?" Sabi ko sabay lahad ng kamay.

Napabuntong hininga naman siya at inilabas yung pitaka niya tsaka naglabas ng singkwenta.

"Nice, wag kang mag-alala ibabalik ko to, with interest pa. Una na ako ah?" sabi ko sabay bulsa sa pera.

Tinapik ko naman iyong balikat niya at naglakad na palayo.

Rinig kong napabuntong hininga siya. Lumingon ako sa kanya. Di ko alam pero larang may kumirot sa puso ko habang pinagmasdan siyang umiikang naglalakad. Pahamak rin minsan yung konsensya eh.

Humakbang ako pabalik at inakbayan siya.

"Kala mo naman iiwanan kitang magdrama, baka bigla ka pang tumalon sa tulay, konsensya ko pa. Saka na pagnaisauli ko na iyong hiniram kong singkwenta. Ano, inom tayo?" nakangisi kong sabi

"Nanghiram ka na nga ng pera, mag-aaya ka pa ng inom?" sabi niya sabay alis sa pagkakaakbay ko.

"Siyempre ikaw manlilibre, ako ba ang nasasaktan?" sabi ko at muling ibinalik yung braso ko sa balikat niya.

"Buti nalang maganda ka."

Sinamaan ko siya ng tingin sabay binatukan.

"Anong ibig mong sabihin nun ha? Gusto mong iwanan kita ha?"

"Bakit ka nga ba nandito?"

"Siyempre nangutang ako eh, baka naman maging 50% off nalang pag sinamahan kita ngayon?" nung aksyong umasim na iyung mukha niya ay binawi ko.

"Gago, naniwala ka naman, siyempre kaibigan kita, tsaka tinawag na kung ate ni Don, ate mo na rin ako." I said smugly.

Ngumiti siya sa akin.

May sasabihin pa sana siya ng biglang namutla siya at napakibit sa may dibdib niya tsaka nawalan ng malay.

"Hoy Yohann! Gago, wag kang magbiro."

Tinapik tapik ko pa yung pisngi niya pero wala talagang malay. Sa bandang huli ay ihinatid ko nalang siya sa bahay nila. Of course I switched to Helena appearance bago ko siya hinatid, magiging komplikado lang ang sitwasyon kapag nagpakita ako doon na iba ang itsura. I don't want to answer many questions.

Tumawag ako ng taxi at pinakiusapan ko pa ang driver na buhatin siya.

Pagkarating naman namin sa bahay nila ay buti nalang at agad sumalubong saamin si Don. Pinagtulungan namin siyang buhatin sa loob ng bahay nila.

Matapos naming maihiga siya sa kama ay nakita kong nakatitig lang si Don sa kuya niya habang nakakuyom ang kamao.

Nakatalikod siya sa akin pero halatang umiiyak ito dahil umaalog iyong balikat niya at ipinampunas pa niya yung kanang braso niya sa luha.

Kahit hindi ko alam kung bakit siya umiiyak ay niyakap ko lang siya.

"A..te, ate pakiusap tulungan mo si Yohann. Ayoko siyang nakikitang ganito. Nagmamakaawa ako.

Tuluyan na siyang humagulgol.

"May pinagdadaanan lang na away magkaibigan ang kuya mo, maaayos rin yun. Matalino siya, di iyon tatanga tanga, tiwala lang." sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Napapahid naman siya ng luha.

"Alam ko naman iyon pero baka di niya makayanan ay bumigay yung puso niya."

Natigilan naman ako. Did I heard it right?

"What did you say?"

"May Acute Congenital Heart Failure si Yohann, natatakot ako ate, ayokong mawala siya. Pakiusap."

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon