Si Lizzy habang kumakain, si lizzy habang nagbabasa, naglalakad, humihikab, nag-aayos ng sintas, natutulog, nakatulala, umiinom, iyon ang mga larawang nakita ko sa loob ng silid. Kahit nga nung kalalabas lang niya ng palikuran ay may larawan din.
What the heck! Kulang nalang maglagay ng kandila sa tabi ng mga pictures niya.
Nakuha ang atensyon ko ang mga larawan ko sa isang tabi, yung bagong dating palang ako dito sa Ironhead U. May nakamarka namang malaking pulang ekis doon sa mga larawan ko.
Doon palang, alam ko ng siya ang may pakana nung mga text. He's completely obsessed with my twin kahit jologs yun mag-ayos.
Pero kinikilabutan talaga ako dun sa larawan kong may malaking ekis. The creep looks like a serial killer, ang sarap sakalin.
Agad akong lumabas sa silid para kausapin siya pero wala na siya doon. Bumalik naman ako muli sa silid at kinuha ko iyong DSLR niya, I'm holding it captive for ransom. Nagsulat ako ng note sa ibabaw ng mesa.
'If you ever want to see your camera, pumunta ka sa rooftop.'
-not Eliza'Agad akong umalis doon, tumatayo iyong balahibo ko sa tuwing nandoon ako. I mean, who wouldn't? It's creepy and uncomfortable as shit.
Hanggang ikatlong palapag lang ang building kaya pag-akyat ko ay rooftop na agad. Saktong mahangin ang panahon kaya naisipan ko munang umupo sa sahig malapit sa railings tsaka umidlip.
Hindi pa umaabot ng isang oras ay narinig kong bumukas sara ang pinto kaya napamulat nalang ako.
Sa wakas ay dumating din siya. Tumayo ako at pinagpag iyong palda ko.
"I thought you would never come." sabi ko sabay nginisihan siya.
"Asaan i-iyong camera ko?" wika niya na hinihingal pa.
"Ito ba?" sabi ko sabay taas bagay na mismong hinahanap niya.
Humakbang naman siya papalapit sa akin pero inilayo sa sa kanya ang camera. I positioned my hand holding the camera over the railings, that way, it's hanging in the air 3 storeys high. "Isang hakbang pa at pupulutin mo itong camerang ito sa baba ng pira-piraso."
He looked frightened. Natakot naman siya at pumirmi sa kinatatayuan niya.
"A-ano bang gusto mo?" tanong niya. Paputla na iyong mukha niya, he really looks scared. Dapat lang, ilang araw niya akong binibwisit ng mga text niya, lintik lang ang walang ganti sa kanya pag naupakan ko siya.
Inirapan ko siya. "Alam kong alam mo kung ano ang ipinunta ko rito."
"H-hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." napa-iwas siya ng tingin.
"Let's hope you're right or magdasal ka nalang na di mo dala ang cellphone mo."
Naguluhan naman siya sa sinabi ko.
I just gave him a meaningful smirk tsaka inilabas ang cellphone ko tsaka tinawagan iyong mystery sender na nagtetext sa akin. Wala pang limang segundo ay may tumunog galing sa bulsa niya at tinitigan niya lang iyon tsaka napalunok. Pinatay ko iyong tawag at tumigil na rin kakatunog iyong cellphone sa bulsa niya.
"Ngayon, itanggi mo ulit, baka mauto mo ako. How did you found out?" I'm now sure as hell na siya iyong gagong nagtetext sa akin. No mistake on that.
Nanatili siyang walang kibo at mukhang nanginginig pa. Seriously, how pathetic can this guy get?
"I don't like repeating myself, How.did.you.find.out?" may diin kong sabi tsaka ibinaba kaunti iyong kamay kong hawak hawak iyong DSLR niya.
"A..aksidente ko lang na narinig. Nag-uusap kayo ni Ms. Grazziana sa hallway. Narinig kong may kakambal siya at ikaw iyon." paliwanag niya.

BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...