Chapter 36: Effort not Recognized

13.7K 637 91
                                    

"Tang'na namimihasa ka na Carpio, tangna. Gusto ko yung brip ko , paglaba mo dapat yung sabon Surf, yung bangong hanggang fourteen days, hindi yung lakas ng sampung kamay. Tapos banlawan mo ng Downy na fabcon yung blue hindi violet. Dapat may mga bulaklak akong makitang lumulutang pag inamoy ko. Ipapalaba ko na rin yung mga damit tsaka brip ni Amang para mabawasan din yung lalabhan ko gago."

Napaikot naman ako ng mata habang reklamo ng reklamo si Terrence habang buhat-buhat si Yohann.

"B-bakit ang tagal...mo?" Pilit na sabi ni Yohann kay Terrence. "Taena, masakit, aray!"

"Gago nagreklamo ka pa, pasalamat ka nga buhay ka pang kutung-lupa ka." tugon naman niya.

It was a good thing Terrence came, kasama niya ay isang hukbo ng mga tambay. May grupo rin pala itong si Terrence, magaling din siyang makipaglaban.

Hindi na nahirapan pang matalo yung kalaban dahil pagod na sila mula sa pakikipaglaban kina Cole at di na nagtagal pa.

Nung makitang matatalo na sila ay nagsitakbuhan na ang mga duwag at natira nalang kaming pito. Umuwi na rin yung mga kasama ni Terrence na mukhang hinuthutan pa yung mga kalaban ng pera at pag-aarian nila.

Buti nga sakanila.

Dahil wala ng malay si William ay buhat buhat siya ni Ichabod sa likod habang akay akay pa si Maxim.

Buhat buhat rin naman ni Terrence si Yohann.

As much as I want to leave the asshole behind, may konsensya naman ako kaya inakay ko lang siya para suportahan siyang makalakad, alangan namang buhatin ko?

Nagtungo kami sa kotse ni Cole.

Umalis naman na si Terremce matapos paulit ulit na pinaalala kay Yohann yung utang niya. Buti nalang di niya nabanggit iyong pagpunta ko kina Yohann.

Nagsisiksikan sina William, Cole, Maxim at Yohann sa backseat habang ako ay nakaupo sa front seat.

Si Ichabod naman ang nagmamaneho dahil siya lang naman ang hindi masyadong malala ang kalagayan bukod sa akin.

Tahimik iyong byahe dahil talagang ubos na ang lakas ng mga ugok sa likod at hindi naman talaga nagsasalita si Ichabod.

Hindi na ako nag-abalang magtanong pa kung saan kami pupunta.

Napansin ko naman ay pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa harap sa isang malaking bahay.

Kaninong bahay kaya ito?

Bumusina ng tatlong beses si Ichabod bago bumukas yung gate.

Nang maiparada na ni Ichabod ang sasakyan ay bumaba siya sa sasakyan.

"Help me carry them." sabi niya at tumango naman ako. Binuhat niya si William papasok sa loob.

Binuksan ko yung kabilang pinto. Cole was still sleeping.

Napatitig naman ako sakanya at pinagdebatehan sa sarili kung paano siya gigisingin, sampal ba? Pingutin ang ilong para di makahinga? Gusto ko sanang buhusan ng tubig kaso wala akong tubig.

"Done checking me out?"

Napalundag naman ako sa gulat ng bigla siyang magsalita at iminulat ang mata.

"Gago." tangi kong naitugon sa kanya.

"You can stare, but don't get your hopes up, di kita type."

"Sinabi ko bang type kita? Kapal talaga ng mukha." Inirapan ko siya.

Bumaba naman siya sa sasakyan, pansin at kong napangiwi siya sa tuwing hahakbang.

"Need any help?" tanong ko.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon