Dad calling...
Saglit kong tinitigan iyong screen ng cellphone ko.
Kinakabahan ako habang pinakikinggang tumunog iyong ringtone ko. My fingers finally pressed the reject button.
Sinubukan kong lunukin iyong kaba ko at nilingon si Lizzy. "Let's go Lizzy, how about we go shopping?" suhestiyon ko. Ayokong mas lalong masira ang araw ko pag sinagot ko iyong tawag. Gusto ko munang mamasyal at kalimutan muna ang lahat. I'll be skipping class again. Sa nangyari ngayon, malamang wala na talaga akong balak um-attend sa klase sa hapon.
Parang may gusto pang sabihin si Lizzy pero hindi niya tinuloy at tumango nalang. I can feel that she's bothered with something na may koneksyon sa tinanong niya kanina. Duwag man pero iniiwasan ko rin iyong tanong na iyon. Natatakot ako at baka kung saan pa iyon mapunta. Everything just became complicated, maging iyong namamagitan sa amin ni Cole ay lumabo. Sa ngayon, gusto ko muna iyong takasan.
Umalis na kami sa rooftop at nakatagpo namin sina Grace na naghihintay lang pala sa amin. Nang marinig ni Grace iyong salitang shopping ay agad nagliwanag iyong mga mata niya.
Palakad na kami palabas na sana ng eskwelahan ng may tumawag sa pansin ko.
"Boss Lady!" napalingon ako at nakitang papatakbong lumapit sina Yohann at William sa amin.
"You know these guys?" tanong ni Stanley na tinanguan ko nalang.
Tuluyan ng nakalapit iyong dalawa sa amin na mukhang hinahabol pa iyong hininga nila. "Boss Lady! Nakita namin iyong nangyari sa cafeteria kanina, nagulat talaga ako, pero ang cool mo---woah." Agad napatigil si William at pansin kong parang halos magkorteng puso iyong mata niya. Biglang nalaglag iyong panga niya
"Tol, bakit? Anong---woah." ganun din si Yohann. Sinundan ko ang tingin sila at napadpad iyon kay Grace. Agad nanlaki ang mata ko. Wag mong sabihing na-love at first sight ang dalawang to sa kay Grace?
"Tol! Yung puso ko, ang bilis tumibok. I think I'm in love." sambit ni William habang hinihimas iyong dibdib niya.
"Yung the one ko, nakita ko na!" pahayag naman ni Yohann kaya nalaglag din iyong panga ko.
Hindi ko yata to inasahan sa tanang buhay ko.
"Oh giliw ko." ani William sabay lapit kay Grace.
"Aking diwata." ganon din si Yohann.
"Aking sintang walang humpay na ligaya." muling sambit ni William.
"Binibining marikit na dalangin ko." sabi din ni Yohann na parang nagpapaligsahan sa mga itatawag kay Grace.
Napakunot naman ng noo si Grace. "Uh, sorry I didn't understand a word you just said."
Nagkatinginan ang dalawa. "Oooh, english spokening, dude ikaw mauna." tulak ni Yohann kay William kaya humakbang ito papalapit kay Grace. Sinuklay ni William iyong buhok niya gamit ng kamay niya. "Good day, madam byutipul. I'm William Hyde, but you can call me mine." sabi nito sabay kindat pa.
Kunwaring inayos naman ni Yohann iyong neck tie niya."Yohann Carpio, Miss Binibini, at your service."
Naalala ko iyong nagpakilala sila sa akin noong naipit ako sa gulo sa pagitan nila at ng isang grupo ng dahil sa teritoryo, ganun rin yata ang linyahan nila.
Kinuha nila ang magkabilang kamay ni Grace at hinalikan. Muli namang napakunot ang noo ni Grace na parang walang naiintindihan sa nangyayari. "Beyney...beyney? What is that?"
Bago pa man makasagot ang dalawa ay umeksena si Maxim. "Mga ulol, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" untag nito na kararating lang.
Agad akong naalarma at napalibot ng tingin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi ko nakita si Cole. Nandito ang barkada niya kaya baka baka nandito rin siya. It's good to know that he's nowhere near. Hindi ko pa siya kayang makaharap.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...