Umuwi akong talunan, bad trip na bad trip ako dahil sa pagmumukha ng kumag na iyon. Hindi ko matatanggap na talo ako. Hindi pa ako nagsisimula. I will still crush him to a pulp.
Kanina pa ako pabalik balik ng lakad sa silid ko para magpalamig ng ulo. Lumabas ako sa silid ko at nagpunta sa kusina suot suot ang hood ko dahil hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa. I was in my normal self. It was torture already being a nerd in the school pati ba naman sa bahay, papanagutan ko pa talaga? Hell no.
Binuksan ko ang fridge pero agad ding sinara. Wala akong magustuhang kainin.
Food is my anti-depressant at sa panahong ito, takam na takam ako ng barbeque, isaw, fishball, kwek kwek at dirty ice cream. Walang ganon sa States at ewan ko lang paano napasok sa isip ko iyon.
My parents are not home as usual kaya ako lang mag-isa dito maliban sa mga katulong at gwardya
Napag-isipan kong lumabas. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos na parang si Eliza, para saan pa. Alas otso nan gabi. It's not like someone will recognize me. Di naman ako lalayo, I'm sure may tindahan diyan ng street foods sa tabi tabi.
Suot ang lumang ripped jeans at black crop top na pinatungan ng hoodie ay inakyat ko ang bakod at ligtas na nakababa sa kabilang lote.
'Hooh'
Nagsimula na akong maglakad. Mga ilang kanto pa, parang may natatandaan akong tindahan ng mga ganung klaseng pagkain sa tuwing dadaan kami papunta sa school.
Gustong gusto ko talaga iyong isaw tsaka kwek kwek.
Napamasid ako sa paligid. Walang masyadong tao na umaaligid. Hindi naman nakakatakot, hindi ako naniniwala sa multo.
Naparaan ako sa isang parke kaya lumiko papunta doon. Sa tingin ko may shortcut dito. Mahilig kasi ako sa shortcut.
"Miss Byutipul, naligaw ka ata ah!"
Agad akong napatigil sa paglalakad ng may nagpakitang lalaki mula sa dilim.
"Napadaan lang." tipid kong sabi at ipinagpatuloy ang paglalakad ng hinarangan niya ako, nagsilabasan pa ang iba niyang kasamahan. Mga sampu sila lahat at may hawak na kahoy, baseball bat at brass knuckles. Parang sasabak sa isang labanan.
"Sino ka naman?" Sabi ng isang kalbong lumapit sa amin.
"Boss, baka padala ng kabilang gang para espiya." sabi nung humarang sa akin.
"Sinabi kong napadaan lang ako. Kaya paraanin niyo na ako." matapang kong sabi.
"Teritoryo ng gang namin ito. Alam ng lahat iyon at kung sino mang maglakas loob pumasok sa teritoryo naming ay malamang ipinadala ng kabilang gang para magmanman." –kalbong lider.
I pursed my lips. Malay ko ba, I just got here mula America kaya malamang di ko alam yun.
"Alam kong kalbo ka lang di bingi. Kaya pag sinabi kong hindi ako espiya at wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo, pakinggan mo."
Dumilim iyong mukha niya at mas lumapit sa akin.
"Wag mo akong ginagalit. Ang ganda mo pa naman. Kung sa kabilang grupo ka nga, mas mabuti nalang na di ka na naming isasauli sa kanila." sinubukan niyang hawakan ang baba ko kaya sinuntok ko sa siya sa mukha.
Narinig ako namang napasingap iyong iba.
"Gago ka ba? Sinabing wala akong alam diyan eh."
Napaatras naman ang kalbo at hinawakan ang ngayo'y dumudugong ilong. Malutong siyang napamura habang pinaulanan ako ng matatalim na tingin.
"Hulihin niyo nga yang putang-inang babaeng yan!"
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...