Chapter 47: Determination

13.7K 566 62
                                    

Biyernes na at maiinip na akong magsabado na para maiwasang magkaharap kami ni Cole na mukhang imposible dahil nasa iisang classroom lang naman kami.

Naka-ubob ako ngayon sa desk ko at sinusubukang matulog habang hindi pa nagsisimula ang first period. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Para akong nagkape sa bilis ng tibok ng puso ko. Palaging pumapasok sa isip ko iyong mga sinabi niya.

'It's mine'

I groaned internally. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin. Kaasar. Naka-ubob parin ako sa mesa ng napansin kong may tumabi saakin. Deadma nalang ako at ipinikit ng mariin ang mga mata.

Hinihipan niya ang tenga ko kaya agad akong napaigtad.

"Here." Bago ko pa man siya mabulyawan ay may inilagay siya sa desk sa harapan ko. Mukha itong mamahaling tsokolate na ikinataka ko.

"Para saan to?" Kunot-noo kong tanong.

"Just take it."

Matagal kong tinitigan iyon. I really want to reject it pero natatakam ako.

Sa huli, sa pagitan ng pride at pagkain ay nanaig ang pagkamatakaw ko sa tsokolate at mabilis na ibinulsa ito. Kakainin ko ito mamaya kapag ako nalang mag-isa para walang makahingi.

"Diba sinabi kong layuan mo ako?" I shamelessly said even after accepting the chocolate. Walang kinalaman ang tsokolate dito kaya ba't ko idadamay?

"I don't remember agreeing to it."

"Wha...I..." I was lost for words. This guy is impossible! " Then don't expect to be forgiven. " mataray kong sabi.

He smirked at me. "I apologized for acting rashly, I'm not apologizing for the kiss."  aniya na para bang ipinagmamalaki pa ang kamanyakan niya. "When I make you fall in love with me, you'll forgive me eventually." bulong niya pa pero rinig ko naman.

"A...no ulit sabi mo?"

"I know you're not deaf."

"Ang taas yata ng kompyansa mo sa sarili, lalong kumakapal ang mukha mo."

"It comes with the package."

Damn it. Each answer he makes only annoys me to the core.

"Will you stop pestering me?"

"Not until you confess to me."

"Hinding hindi mangyayari yun kaya tigilan mo na ako at bakit ka ba dikit ng dikit? Tch."

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Stupid nerd, how dense can you be. Nililigawan kita kaya makisama ka nalang. " Nag-iwas pa siya ng tingin na para bang nahihiya. Iba rin eh.

I stared at him blankly. "Marunong ka bang manligaw?"

Tinignan ko siya, hula kong hindi pa siya naranasang manligaw. Given his looks, he doesn't need to chase someone to have them. Hindi talaga ako maniniwalang papanindigan niya ang sinabi niya.

Ini-usog niya iyong upuan niya at sumiksik sa akin.

"You're underestimating me."

I narrowed my eyes at him.  Given his inexperience, malamang may pinagkukunan ito ng impormasyon. "You read a book about courting, didn't you?"

Napabuka siya ng bibig pero agad din niyang itiniklop.

"I didn't." Sabi niya habang nag-iiwas ng tingin.

"You did." Insisted while leaning on my hand on the desk.

"I didn't."

"You did." Natatawa ako dahil habang tinutukso ko siya ay mas pumupula iyong tenga niya. I chuckled lightly. He really can't lie.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon