(A/N: Sorry for the profanities and violent language ahead.)
Sinubukan kong lumapit upang kumpirmahin ang nakikita ng mata ko pero di nga ako nagkakamali.
Kasalukuyang tinatadyakan at sinusuntok ni William si Yohan habang si Yohan naman ay nakaluhod lang at tahimik na nakayuko.
"Fuck you!"
"I hate you."
"Go to hell."
Sa kabila ng pang-iinsulto nito ay nanatili paring walang kibo si Yohan.
It's painful just seeing it. Nakikita ko silang nag-aaway pero pawang bangayan lang iyon at di ganito kalala.
"Tangna mo!" sabi nito sabay sipa sa kay Yohan dahilan para mapadura ito ng dugo.
Sa wakas ay nagtaas na rin ito ng tingin at nakipagtitigan ng tingin sa kanya.
"Bawiin mo ang sinabi mo." tanging sabi niya.
Napaiwas naman ng tingin si William.
"Tss. Bastard." sabi nito at tuluyan ng umalis.
I was thinking of leaving already. Hindi magandang makialam sa buhay ng may buhay pero nung makita kong nahihirapan itong makatayo ay nilapitan ko nalang siya.
Nakayuko nanaman siya. I don't know what this guy is thinking but he looks pitiful.
Inilahad ko iyong panyo ko.
"Hindi ako umiiyak."
"Para sa kamay mo, nagdurugo na kakakuyom."
Nanatili naman siyang walang kibo.
"Hindi masamang tumanggap ng tulong paminsan minsan."
"Kaya ko ang sarili ko." malamig niyang sabi.
Nag-iba ang paningin ko sakanya. I never knew he had this side of him.
"Okay." simple kong sabi sakanya at lumayo.
Hindi naman ako tuluyang lumabas, nanatili lang ako sa isang sulok at sumandal sa pader.
Tingnan natin saan ang kahihinatnan ng pride niya. Mura siya ng mura habang paika ikang tumayo.
Tch.
Lumabas na siya sa gusali at tahimik ko naman siyang sinundan. Wala nang masyadong estudyanteng aaligid aligid dahil mag-aala-una na.
Akala ko pupunta siya sa parking lot pero naglakad lang ito sa back entrance ng university kung saan tao lang ang makakaraan at hindi sasakyan.
Napakunot ako ng noo. I thought he had a ride or something. Mas nagtaka ako kaya patuloy ko siyang sinundan, classes are boring anyways, mas gugustuhin ko pang sundan tong lalaking ito kaysa makinig sa klase ng katabi si Cole.
Hindi ko alam kung dahil to sa natamo niyang sakit o sadyang bangag lang talaga siya para di mapansing sinusundan ko siya.
Medyo malayo na kami sa eskwelahan. Naaliw naman ako kakasunod sa kanya dahil sa dami ng pasikot sikot na kantong dinaanan. Namalayan ko nalang na kakaunti nalang ang mga natatanaw kong mga magagarang bahay. Parang papapunta kami sa residential area na binabahayan ng mga squatters at iba pa.
I thought Cole's friends were rich hindi ko inaasahang masusundan ko siya sa lugar na malayo sa mararangyang bahay.
Habang naglalakad siya sa isang medyo masikip na eskinita ay may humarang sa kanyang lalaki. Napatago naman ako sa malapit na poste.
"Pag sinuswerte nga naman. Mukhang minamalas ka yata ngayon Yohann." saad nung lalaki na parang aliw na aliw sa itsura ngayon ni Yohann. Sinubukan nitong hawakan ang pasa pasang mukha ni Yohann pero tinampal nito ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Novela JuvenilQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...