Tatlong araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapansinan si William at Yohann. Sa tatlong araw na yun ay palaging sumasama sa amin si Yohann maging sa tanghalian kung kailan kami nagkikita-kita.Pagkatapos noong malaman ni Hyron yung tungkol kay Eliza ay wala namang nagbago sa pagtrato niya sa akin at sa halip ay mas lumala pa nga.
Mas lalo siyang umingay at kung ano ano pa ang lumalabas sa bibig niya. His reason, hindi naman daw ako Eliza kaya kahit maturn-off daw ako, okay lang. Hindi na rin siya naiirita kay Yohann tuwing sumasama sa amin at mukhang close na close pa sila. I can't believe he accepted it that easily.
Although there were a few changes. Minsan ay nakiki-upo rin sa amin si Maxim. Hindi daw kasi nito maatim na humihiwalay si Yohann at William sa barkada kaya minsan ay sumasama ito kay Yohann o William.
Break time na ngayon at kahapon lang ay sa kay William sumama si Maxim kaya ngayon, pinilit niyang sumama sa amin. Schedule yata nila ngayon kay William.
Siksikan na kami sa inuupuan namin. Kung madadagdagan pa ng isang tao ang umaaligid sa akin, I'll ditch them all, four is usually my limit and now I'm barely hanging on.
"How are you and William doing?" tanong ko kay Yohann.
Sinubukan kasi niyang kausapin si William pero nagmatigas ito at di parin siya pinapansin.
Pinabalik ko siya sa dati niyang upuan pero sa huli ay si William naman ang lumipat sa tabi ko. Ako iyong na-iistress sa kanila.
Sa huli, Yohann gave up. That's his problem, he easily gave up. It's not my problem anyway kaya di ko na siya muling kinumbinsi. Tsaka alam kong masakit ang ipagtulakan ang sarili sa iba kahit ayaw nila, I was shipped of to the other side of the world by my parents, I had been in that stage where I tried to fix it, palagi ko silang tinatawagan noon, umaasang ibabalik nila ako but I got rejected everytime. I stopped after a year.
I realized that sometimes, you just have to give up. Not everything can be fixed with an iron will. Ba't naman ako makikialam sa kanila at kumbinsihin ito kung masasaktan siya. Tss.
"Dedma parin sakin eh." malungkot niyang sagot.
"Wag kang mawawalan ng pag-asa, magkakabalikan rin kayo." sabi namam ni Maxim habang tinapik tapik sa balikat si Yohann.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Taena mo Maxim, pinapalabas mong naghiwalay kami eh. Ano kami, bakla?"
"Hindi ba?"
"Gusto mong masuntok Maxim? Lumayas ka nga dito, nakikisiksik na na naman samin eh." pagtataboy ni Yohann.
"Akala ko ba magkaibigan tayo, bakit pakiramdam kong mas pinipili mo sila kesa sa amin? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa kanila ka sumasabay." nagtatampong sabi ni Maxim.
Kinabahan naman ako at baka saan pa mapunta iyong usapan nila at mabulgar pa ako. I need to cut in.
"Uuuuy wag kang matakaw Eli!!!" Mabilis kong hinablot iyong paboritong fried chicken ni Hyron at nilantakan. It was enough to cut their conversation dahil sa lakas ng himutok ni Hyron.
"You food stealer, matakaw, walang konsensya, mataba, mabilbil---"
I sent him a deadly glare. How dare he call me fat.
"Who you calling fat you stu---"
"Sayo nalang to Hyron oh." sabat ni Zia sabay bigay nung fried chicken niya.
She thinks I haven't noticed that she deliberately cut me off. Simula nung nakita niya kami ni Hyron noong magtapat ito sa akin ay parang may nagbago na sa pakikitungo niya sa akin. Tuwing binabatukan ko si Hyron dahil sa kakulitan nito ay napapansin kong pasikreto niya akong tinatapunan ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...