Pagkatapos ng lunch time, sa halip na si William, ay si Yohann naman ang tumabi sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero di naman nadala. "Walang masama kung dito ako uupo. Ayos pala dito, naririnig mo ng maayos yung sinasabi ng teachers." Bungisngis niya pero pansin kong di umaabot sa mata yung ngiti niya.
I just sighed knowing that I can't get him to move elsewhere. I'm also curious kung anong nangyari sa pagitan niya at kay William pero hindi nalang ako magtatanong dahil labas naman ako doon. I shouldn't be minding other people's business.
Ilang sandali pa ay pumasok na iyong guro pero sa di inaasahang pangyayari ay ipinaalam niya lang na di siya magkaklase due to some personal reasons. Binigyan niya lang kami ng homework tsaka umalis.
Nagsihiyawan naman iyong mga kaklase sabay naglabasan.
Nauna doon si William. Mukhang sineryoso niya talaga ang pag-iwas kay Yohann.
"Dude, sasama ka ba?" Lumapit si Maxim, iyong mukhang gentleman sa barkada nila.
Umiling naman si Yohann. "Pass."
Sumimangot ito. "Pare, kung ano man iyong problema niyo ni William, pakiusap lang ayusin niyo na. Kami iyong naiipit eh." sabi nito sabay nagkakamot ng ulo.
Ngumiti lang si Yohann.
"If this thing drags on, I'll beat the both off you." sabi naman ni Cole. Ibinaling niya naman iyong tingin niya sa akin. "Pangit."
Sinamaan ko siya ng tingin. Di talaga maalis sa hinayupak na to ang mang-asar eh. Ang sarap gawing bunot ang mukha at ilampaso sa sahig.
Nilampasan niya na kami at sumunod naman si Maxim. Si Ichabod naman ay tinapik lang si Yohann sa balikat tsaka sumunod sa kanila.
Natapos na akong mag-ayos ng gamit. Nakita ko namang nakatulala pa si Yohann sa pintuan. Nang makitang halos wala ng tao sa room ay kinusot ko iyong buhok niya.
"Gusto kong makita ulit si Don, tara." pahayag ko. Hindi naman sa naaawa ako sa kanya, wala lang akong ibang ginagawa kaya inaya ko siya.
Natauhan naman siya.
Nagdugtong iyong mga kilay niya habang inaayos iyong buhok niyang ginulo ko. "Teka, may susunod pa na subject pagkatapos nito ah?"
Napataas ako ng kilay. "Umalis na silang lahat, kung gusto mung magklase kasama ng mga upuan bahala ka."
"You're supposed to be a nerd. Di ka dapat nagkacutting."
"But I'm not one, at hindi mo ako makukimbinsi lalo na pag ikaw ang nagsabi. Don't act like di ka pa nakakapagcutting."
"Oo na. I can't believe, ikaw pa ang nag-ayang pumunta sa bahay namin. Saan mo ba kinukuha ang kapal ng mukha mo, Miss Byutipul." aniya.
I shrugged my shoulders.
"Let's meet outside the school." tangi kong sabi. Nauna akong lumabas para walang maghinala.
Pumunta muna ako sa C.R na wala masyadong tao at tinanggal iyong wig tsaka salamin ko. Wala namang nakahalata at nakapansin ng kakaiba. Pumunta ako sa likod ng building na mababa lang iyong pader tsaka inakyat iyon. Walang kapawis-pawis, ay nakalabas na ako sa IU.
Naglakad lang ako sa isang eskinita, ilang metro mula sa eskwelahan at nag-abang kay Yohann. Sumandal ako sa pader habang naghihintay sa kanya. Mayamaya pa ay nagpakita na siya.
"Ano?" tanong ko nang tinitigan niya ako.
Mahina naman siyang napahalakhak. "Kaya pala hirap na hirap si Cole, magkaibang magkaiba talaga yung mukha mo pag may wig at salamin ka Miss Byutipul. Curious talaga ako, ano bang nangyari, trip mo lang ba to?"
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Novela JuvenilQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...