Agad kong hinawakan ang buhok ko. Mukhang sanay sa sabunutan ang isang toh. "Malandi kang babae ka, anong ginagawa mo sa Yohann ko? Malandi kang haliparot ka!" sabi nito na may gigil.
Damn it!
Mabilis ko namang hinawakan ang dalawa niyang kamay at hinigpitan. My nails were digging on her skin kaya napabitaw siya. Inikot ko naman siya hawak ang isa niyang braso na ngayon ay nasa likod niya.
Nasa likod niya ako habang pinipilipit yung isang braso niya. I grabbed a handful of her hair dahilan para matingala siya.
Napahiyaw naman siya sa sakit.
Good! Feel the pain, bitch.
Yung isa niyang kamay ay pinipilit pang abutin ang buhok ko kaya mas nilakasan ko pa ang paghila sa buhok niya.
"Don't try me, wench." I hissed. "Wag kang manghamon ng sabunutan kung hanggang diyan lang ang kaya mo. Pangalawa, wag mo akong tawaging malandi dahil di mo pa ako kilala. I don't like being judged so quickly. " Inilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya."Next time you touch my hair again, makikita mo ang sariling naghuhukay ng sariling libingan."
Binitiwan ko nang buhok niya at lumayo ng konti sa kanya. Napatawa naman ako dahil may buhok pa niya ang natira sa kamay ko.
"You must be using some cheap shampoo, ang dami mong hairfall." pang-aasar kong sabi. She got angrier. Mukhang hindi pa siya talaga natuto at muling sumugod sa akin.
I was gonna kick her face nang biglang pumasok sa eksena si Terrence. "Thelma!" sigaw nito at agad niyang hinila ito papalayo sa akin.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?" galit na tanong ni Terrence dito.
"Kuya, pinagsasalamantahan niya si Yohann. Nilalandi niya si Yohann ko!" sumbong nito at nagpupumiglas pa.
I thought wala nang mas lalala pa sa mga babaeng kakampon ni Regine, may mas malala pa pala.
Inayos ko muna ang buhok ko at humarap sa kanya.
I was partly pissed at Terrence dahil kung di siya dumating, kanina pa sumusuka ng dugo ang babaeng to.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napataas ang isang kilay ko.
"Hulaan ko lang, ikaw ang ampon o siya?" tanong ko kay Terrence.
"Ha?"
May itsura naman si Terrence, but I just can't see a trace of beauty in the wench. Ni hindi niya kayang tapatan ang kuko ko or I was just being biased. Puno rin ng make-up ang mukha eh naka-damit pambahay lang naman.
"Nevermind."
Bigla namang sumulpod si Don. "Ate, tapos na-"
Napalingon silang dalawa kay Don.
"Hoy Don, akala mo ba makakalimutan---Ate?!!!" Parang lalabas na sa kinalalagyan iyong mata ni Terrence. He looks so shocked. Mabilis naman itong lumapit sa kanya at nilagay ang likod ng palad niya sa noo ni Don.
"Putcha! Linalagnat ka ba? Sinapian ka ba ng santong dinasalan mo? Gago wag kang magbiro ng ganyan. Di nakakatawa. Ako? Kilala mo pa ako?" natatarantang untag ni Terrence kanya. Itinulak naman ni Don ang kamay nito papalayo sa noo niya.
Malamig lang siyang tinignan ni Don. "Akala ko ba maliligo ka? Bakit amoy tae ka parin?" sambit pa nito.
Nandilim naman iyong mukha ni Terrence.
"Walang utang na loob kang hinayupak ka! Walang tubig kaya mahaba ang pila, isang tabo lang naigib ko. Tsaka hindi ako amoy tae!"
Habang nagkakapisikalan ang dalawa ay pansin ko ang talim ng titig nung babae sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. I'm not fucking done with her yet. Subukan lang niyang magpakita ulit sa akin at makikita niya ang hinahanap niya.
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Ficção AdolescenteQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...