Chapter 20: Challenging the King

16.3K 724 50
                                    


"Hoy, asan na iyong pinapagawa namin sa iyo?!"

Pabagsak na bumukas iyong pinto at iyon kaagad na bumungad sa akin. Sila iyong tinutukoy ni Jethro na b-inu-bully siya at nagpapagawa sa kanya ng mga proyekto nila. I think, Jericho ang pangalan nung isa.

Nakatambay ako sa press room mag isa. Wala rito si Jethro dahil pinabili ko siya ng tempura. Diskarte niya na kung saan niya bibilhin yun. Di ko naman siya pinepressure eh, hindi naman siya nagreklamo kaya hindi masasabing nananamantala ako.

Inilibot nila ang tingin sa buong silid.

"Hoy ikaw! Asan yung lalaking kamukha mong pangit?" hambog na sabi nito ng makitang wala pala si Jethro.

Bahagya naman akong natawa. For a moment there, I thought he was referring to Lizzy pero hindi pala dahil wala naman siyang alam. Maybe he was referring to Jethro na parang boy version ko lang dahil pareho kaming nerd.

"Wala akong kamukhang pangit, baka ikaw marami." di ko mapigilang sabi.

Men like him instantly makes my blood boil.

Nilapitan ako nung Jericho at kwinelyuhan. "Wag mo akong binibiro babae ka, Baka di mo alam, pumapatol ako sa babae."

'Kung naman kaya mo. Bakla." bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo?!"tanong nito habang hinihigpitan pa ang pagkakahawak sa kuwelyo ko.

"Ang sabi ko nasa likod ng gymnasium si Jethro. Nagtatago sa inyo kasi hindi pa raw tapos iyong pinapagawa ninyo." saad ko.

Niluwagan na niya iyong pagkakahawak sa kuwelyo ko. "Nakakaintindi ka naman pala--"

"Tsaka magtooth brush ka naman pag may time. Baho ng hininga mo." That was supposed to just be in my mind, napalakas ko pala ng salita. Mukhang narinig yata ng hinayupak.

Ni hindi man lang ito na-conscious sa sinabi ko at muling hinigpitan ang pagkakakwelyo sa akin tsaka inilapit pa ang mukha.

"Pinapainit mo ang ulo ko ah. Bubugbugin namin mamaya si Jethro. Gusto mo ikaw muna unahin ko?" maangas nitong sabi.

"Yung ulam mo kagabi, sumisilip pa sa ngipin mo, yan muna yang unahin mo."

Namula iyong mukha niya sa di ko matukoy na dahilan, sa hiya ba o sa galit.

Akmang susuntukin niya ako ng inawat na siya ng dalawa niyang kabarkada.

"Tol tama na. Yung Jethro muna una uupakan natin. Kating kati na kamao ko bugbugin yun. Hayop, hindi pa natatapos pinapagawa natin." sabi nung isa.

Kumalma naman ito at inayos iyong damit niya. Sinamaan niya ako ng tingin na para bang tatagos sa ulo ko.

"Humanda ka lang, darating rin ang oras mo." sabi niya sabay walk-out, sumunod naman amg dalawa. Padabog pa nilang sinara iyong pinto.

Napabuntong hininga naman ako atsaka inumpisahang tanggalin iyong wig at eyeglasses ko matapos inilock ang pinto.

May isang salita ako, sinabi ko kay Jethro na aayusin ko iyong problema niya. Tuturuan ko lang ng leksyon iyong tatlong barumbado.

Sinadya ko talagang papuntahin sila sa likod ng gym,  yun nga lang, hindi si Jethro ang makakatapat nila kundi ako.

Queen Helena needs to be out again. Nangangati na naman iyong kamao ko, di pa sapat iyong ginawa kong pambubugbog kay Jethro. Alangan namang magpakita ako sa kanila bilang Eliza, edi buking ako pagnagkataon.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa silid, Queen Helena style. Nakalugay iyong buhok ko. Di na ako nag-abalang magpalit pa ng damit. Iyong blazer ng uniporme ko ay tinali ko sa bewang ko tsaka binuksan ang pinakaunang butones sa polo. Nakatupi rin iyong manggas ko.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon