Chapter 38: Her Deadly Plan

13.6K 609 65
                                    

Napaatras naman ako mula sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Ah...eh..Sino bang hinahanap mo dito?" mabilis kong tanong pabalik at hindi na sinagot iyong tanong niya.

Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa. His blue eyes showed no emotion.

Ilang segundo pa ay walang imik niya akong nilagpasan at bumalik na naglakad sa gate.

"Teka, baka saktan ka nanaman nung gwardiya." pigil ko sa kanya.

Hindi siya nakinig at nagpatuloy sa paglalakad.

This kid really is a snob when it comes to strangers, minsan nasosobrahan na.

Napabuntong hininga naman ako.

Because I can't risk it, wala akong ibang nagawa kundi nagmadaling magpalit ng itsura doon sa likod ng pader na malapit lang. Thankfully, walang taong dumaan so no one saw me.

Agad akong lumabas at bumalik sa gate.

Sinesermonan nanaman siya ng gwardiya. Akmang hahampasin nanaman siya nung gwardiya ng batuta kaya't pinigilan ko sa pagsalag gamit ng kamay ko.

Walang sabi sabi ay hinila ko nanaman si Don palayo kahit nanakit itong kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito ha?" Sabi ko habang nakapameywang at magkadugtong ang kilay.

Saglit siyang natigilan.

Naiirita parin ako sa pangsasnob niya sakin. Gwapong bata, snob lang masyado. Tch.

"Ate!"

Akmang yayakap sana siya ng mapansin niyang madungis siya ay umatras siya palayo sakin.

Lumapit naman ako at inakbayan siya. It's not like ako maglalaba ng uniform ko. Bahala na madumihan.

"Nahiya ka pa, eh parang kahapon lang halos ipinahid mo na nga sa damit ko lahat ng sipon mo." I chuckled.

Napayuko naman siya pero halatang namumula iyong tenga niya. Ang cute lang.

"Ate naman..." tangi niyang usal.

"You know, gusto kong tinatawag akong ate pero hindi iyon sagot sa tanong ko."

Bumuka iyong bibig niya pero itinikom parin. Parang may sasabihin siya pero di niya masabi. Dumaan ang isang minuto at wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

"Tara na nga, ihahatid kita pauwi!" sabi ko nalang at naglakad papunta sa direkson ng bahay nila.

Kung di niya masabi, aalamin ko nalang.

"Bakit ba ang dungis dungis mo ha? San ka ba nagpupunta?"tanong ko habang inaayos iyong buhok niya.

Hindi nanaman siya umimik.

I sighed. "Kumusta si Yohann, san ba siya?"

"Bahay." Mahina niyang sabi.

"Siya lang mag-isa?" Usisa ko pa.

Napatigil naman siya sa paglalakad at umalis sa pagkakaakbay saakin.

Hindi naman siguro mabaho ang kili-kili ko diba?

"Wag ka nalang tumuloy, pasensya na kung naabala kita. Sorry ate." Nabigla naman ako. Daig pa yata ang matanda kung makamood swing ang batang ito.

"Ano ba talagang problema mo? Sabihin mo lang nandito naman ako."

"Ate..." He gave me a look that seems tired and torn. Bigla siyang yumakap saakin. Looks like he just badly needs a shoulder to lean on.

Nanatili lang akong tahimik, ilan pang saglit ay humiwalay na siya at biglang tumakbo palayo. Inamoy ko iyong kili-kili ko. Hindi naman ah.

Nerdy DelinquencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon