Kinabukasan, maaga akong pumasok. Mukhang walang lakad ang mga magulang ko kaya maaga akong umalis para di ko sila makita. I don't want any unexpected awkward meetings with them. Masisira lang ang araw ko.
Pagdating ko sa classroom ay nasa mga lima pa ang tao. They're too absorbed in their own world to notice me or maybe they just don't care.
Tahimik naman akong umupo at nagpasyang umidlip nalang muna.
Ilang sandali ay nagising ako ng may tumabi sa akin kaya napamulat nalang ako.
"You're sitting with me again?" I grumpily said, subtly implying na ayaw kong may katabi pero talagang makapal ang bungo ng isang to.
Napalabi naman ito.
"Hindi ba pwede?"
May magagawa pa ba ako? Eh nakaupo na siya. I rolled my eyes
"Magkapareho talaga kayo ni Hyron, isip bata."He scrunched his nose. "Mas gwapo ako dun."
"Kumusta si Don?" pag-iiba ko ng paksa, humahangin na eh.
Napalabi na naman siya.
"Ako yung kaharap mo Miss Byutipul pero kapatid ko iyong kinakamusta mo. Mas gwapo naman ako sa kanya."
Ibinaling ko naman ang ulo ko sa kabilang direksyon at umub-ob sa mesa.
"Wag mo akong kausapin. Matutulog ako. At wag kang tumabi sa akin, baka maghinala sila." sabi ko at pumikit.
"Wala namang kahina-hinala dito ah. Umiiwas lang ako kay William kaya lumipat ako ng upuan, alam iyon nina Cole. " rinig kong tugon niya.
"Fine." Walang gana kong sabi habang naka-ub-ob parin ang ulo sa mesa.
Tumahimik naman siya pero ilang sandali ay kinulbit niya ako.
"Ahmm...Miss Byutipul, kasi ano...ahmm.." pautal-utal niyang sambit habang hindi makatingin sa akin ng diretso kaya napakunot nalang ako ng noo.
Umayos naman ako ng upo at lumingon sa kanya.
"Spill it." I said in an irritated tone. Nakakaistorbo ng tulog eh.
Napakamot naman siya ng batok. "Ano kase...Pwedeng pakopya ng assignment? Hehe."
Kaya pala napaaga ang hinayupak, mangongopya lang pala.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Akala ko ba matalino ka?"
"Walang perpektong tao Miss Byutipul, dahil sa binayayaan ako ng sobrang kagwapuhan, sinumpa ako ng Panginoon sa Physics. Pakopya naman oh."
Napaikot naman ako ng mata. Inilabas ko naman iyong notebook ko at inilahad sa kanya. Nang makita niya ang notebook ko ay nagliwanag iyong mata niya.
Kukunin niya na sana ng di ko binitawan iyong hawak ko."Ililibre mo ako mamaya." sabi ko bilang kapalit.
Walang libre sa mundo at hindi ako mabait para di humingi ng kapalit.
"Miss Byutipul naman, alam mo namang mahirap lang ako. Ako dapat yung nililibre hindi ikaw."
Hinila ko pabalik iyong notebook ko kaya naa-alarma siyang napalingon sa akin ng may pagmamakaawang tingin.
"Joke lang, mamaya ililibre kita ng ice water tsaka chichirya. Don't worry." sabi niya sabay hila ng notebook ko pero hindi ko parin ito binibitawan.
He pursed his lips. "Ahm, ice candy tsaka fishball?"
I gave him a blank look.
"Juice at pandesal, final offer!"
BINABASA MO ANG
Nerdy Delinquency
Teen FictionQueen Helena Cruz is a delinquent and a bully. Ang katagang pasaway, basagulera, matigas ang ulo, rebelde ay di sasapat bilang deskripsyon sa kanya. She's a devil spawn from hell---untamed, unashamed and unruly. She's living life freely on her own...