Jaemin's:
"Mark." I called on so he looked towards my direction.
Tinawagan ko siya kaninang umaga na kung puwede ay mag usap kami. Iniwan ko muna si Autumn sa bahay kasama nila Jungwoo.
Nagkita kami sa coffee shop sa may City Proper.
"This is all about Jeno, right?" He asked before sipping on his coffee cup.
I sat down infront of him, as i put Jeno's phone in the table as i addressed, "And his daughter."
Nagulat siya halata sa mukha niya. Pero mabuti at di niya naibuga iyong iniinom niya.
"Bakit nasa iyo ang phone ni Jeno?" He asked, surprised.
Huminga ako ng malalim. "Namasyal kami dito sa bayan kahapon ni Autumn. Nasa counter area ako nun, tapos naghihintay si Autumn sa may ice cream parlor kung saan katabi nung mall and then something happened. Nawala daw siya sa car park at nakita siya ni Jeno. Nag ice cream din sila at binilhan pa si Autumn ng pink balloon. Ewan ko kung bakit na kay Autumn ang phone ni Jeno."
"Ibig mong sabihin nagkita na sila?" He asked.
Tumango ako.
"Hindi sa nagdadamot ako, Mark. Pero natatakot ako. I saw how he stared at Autumn yesterday. Feeling ko may nararamdaman siya sa anak niya kahit na di niya kilala ito." I said worried.
"Kaya naman pala." He said putting his cup in the table.
"Anong kaya pala?" I asked confused.
Huminga siya ng malalim. "Kagabi, magkausap kami through phone call. Gamit nga niya cellphone ni Koeun eh."
"Teka, hindi kayo magkasama sa iisang bahay ni Koeun?" Singit ko kaya natigilan siya.
"Sa ngayon, nasa kanila muna siya. Binibisita ko lang siya pag hapon para kamustahin siya." He said.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa kanila kaso may kinukuwento pa pala siya.
"And he was asking me some things about you." He said, glancing at me.
Nkatitig lang din ako pabalik sa kanya.
"Ang sabi niya, bakit daw ang suplada mo?" Then, he laughed.
Napakunot ang noo ko doon. Suplada?
"Kasi kahapon kahit kaunting pasasalamat lang daw di mo nagawa sa kanya. Samantalang yung anak mo, yumakap pa sa kanya." He continued laughing.
Naaalala ko. Oo nga pala! So rude of me yesterday that i didn't even say thank you to him for taking good care of my daughter.
His daughter.
Nakangiti lang din ako habang humihinga ng malalim.
"Isauli mo na yan sa kanya ng personal para makabawi ka sa kanya. Nasa opisina siya ngayon ng Mayor's office." He smiled.
"Ano? Teka, akala ko ba tutulungan mo ako?" I asked.
"Jaemin, igrab mo na yung chance na to. Alam kong namimiss mo na siya and besides i know, he likes you. Pag naguusap nga kami, ikaw lagi topic. Interesado siya sayo." He smiled meaningfully.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."