Dumating ang hapon. Nasa bahay lang kami at wala masyadong ginagawa. Gaya ng dati, binabantayan ko lang sila Autumn sa tuwing lalabas sila ng garden para maglaro.
Nasa living room kaming lahat, at nanunuod nang biglang may magring na telepono. Iyong kay Jungwoo pala yun kaya tumayo siya at medyo lumayo ng kaunti.
Patuloy lang kaming manuod at nang mapansin kong antagal na ni Jungwoo sa labas ay napag isipan kong sundan siya.
Tatawagin ko sana siya ng marinig kong may umiiyak sa kabilang linya at iyong mukha ni Jungwoo halatang galit siya at naiiyak na. Nalulungkot, ganun.
Nang maibaba niya na ang phone niya ay nakita ko pa siyang nagpunas ng luha niya kaya lumapit na ako.
"Jungwoo." napatingin siya agad sakin.
"Anong nangyari?" i asked. Lumapit muna siya sakin at inilingan ako.
"Sabihin mo na dali." pagpipilit ko pa. Huminga siya ng malalim bago niya ako tiningnan ulit.
"Natagpuang patay si Luke sa apartment niya. Punong puno ng pantal ang katawan niya at may laslas siya sa leeg." he told me, silently crying.
Pati ako nagitla sa narinig ko. Niyakap ko muna siya para pakalmahin siya.
Alam ko kung gaano kaclose si Jungwoo at yung artista na yun since magpinsan sila. At sino naman kaya ang gagawa ng karumal dumal na krimen na yun?
Bigla bigla, sumulpot si Dad mula sa pinto at linapitan kami.
"Binalita yan kanina sa dyaryong binabasa ko. Hindi ko alam na malapit pala sayo yung artista na yun." He told Jungwoo pero tumango lang si Jungwoo sa kanya.
"Hayaan mo at ako ang hahanap ng mga taong mag iimbestiga sa kaso niya para mapabilis ang pagkamit natin ng hustisya. Sa nakikita kasi ng autoridad, issue ito tungkol sa mga naging ex-girlfriends niya." Sabi ni Dad.
"Salamat po." Jungwoo told him.
Kinabukasan ng araw na yun, ay nagpasya kaming pumunta sa unang araw ng burol ni Luke at nakita namin doon si Lucas, at kanilang ina na umiiyak.
Naalala ko nung namatay nun si Jeno, kung gaano kasakit ang nararamdaman ko nun.
"Tita." Jungwoo approached his Mom at niyakap siya nito. Ngumiti ng pilit si Lucas samin at pati din ako.
"Nakikiramay ang buong pamilya ko sa nangyari, Lucas." i told him at tinanguan lang niya ako.
Hinayaan ko lang na mag usap iyong nanay nila Lucas at Jungwoo at naupo nalang muna ako sa tabi ni Lucas.
"Close ba kayo ng kapatid mo?" i asked.
Ngumiti siya. "Oo."
"Mabait siya diba? Mukhang wala siyang hindi makakasundo." i told him.
"Kaya siya kinuha agad eh. Masyado siyang mabait." Lucas' face went serious suddenly.
"Tutulong ang Tatay ko para sa imbestigasyon." i took his hand.
"Salamat." he replied.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."