Mess.

82 7 1
                                    

Jeno's:











Halos isang linggo na din simula nang makalabas ako ng kulungan at mapatunayang hindi ako ang gumawa ng krimen. May kaunting epekto yun sa reputasyon ko, pati na din sa pamilya namin, kaya medyo nadidismaya ako.


Pero pinaramdam lang sakin ng pamilya ko na di magbabago ang tingin nila sa akin, at iyon ngayon ang mahalaga.






Pati rin si Jaemin, naniniwala siyang inosente ako. Sapat na yun para magpatuloy ako.






Pero naaalala ko bigla, aalis na pala sila ng anak niya papuntang States. Ewan ko pero kahit nalulungkot ako parang ayoko nang umasa.








Nababaliw na yata ako sa kanya, pero kailangan kong panagutan ang tungkol kay Arielle.







Oo, magtitiis ako dahil huli naman na ang lahat.







Kung bakit kasi ngayon lang dumating si Jaemin sa buhay ko. Tatanggapin ko naman siya kahit may anak siya sa iba.










Bigla ko lang naalala iyong pinagsasabi ng gago kong ama sa kulungan tungkol sa kanila ni Autumn.









Na ang sabi ay anak ko si Autumn at naging kami ni Jaemin dati.








Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sinisira ng gagong yun ang buhay ko. Gusto niyang lumabas kasi sa balitang napakairresponsable ko at may anak ako sa labas.









At pag nangyari yun? Siguradong babagsak ang kompanyang hawak ko.












Ang sabi ni Arielle ay nagbigay daw siya ng malaking halaga ng salapi para daw matahimik ang Donghae na yun. Pati din si Arielle ay nababahala sa puwedeng mangyari at mabuti nalang ay nag isip siya ng paraan para maresolba ang problemang ito.
















Pero may part sa akin na gusto ko nalang maniwala na anak ko nga si Autumn. Ang cute na bata, ang lambing pa niya. Mahilig pa naman ako sa mga bata.









Pero ayoko pa din. Kapag nagleak ang balita tungkol kay Autumn, delikado na ako.







"Pare, ang seryoso mo diyan." biglang dumating si Mark at naupo sa bar stool sa tabi ko. Its nearly midnight, at nasa isa akong tanyag na bar ground sa siyudad.





Tinext ko nga siya na puntahan ako dahil wala akong kasama.







"Kamusta ka na?" nakangiti niyang tanong.




"Okay lang." i smiled back.






"So ano, matutuloy ang kasal? Malaki na ang baby bump ni Arielle, anong plano?" tanong niyang napakaseryoso.






Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Oo. After niya manganak, papakasal kami."





Nakita ko ang pekeng ngiti nito.





"Pare, naguguluhan ako." i told him that basically made him look at me confused.





"May sinabi yung gago kong tatay sakin tungkol kay Autumn." i continued at tumango ito, naghihintay ng kasunod sa sasabihin ko.





"Anak ko daw si Autumn. Pero alam ko namang ginagago lang niya ako. Binayaran nga siya ni Arielle para lang matahimik siya eh." i told him.






Overplay: The Last SeasonWhere stories live. Discover now