Hindi ko ineexpect na makakatulog pa ako nun after kong maiyak kagabi.
Nagising ako ng maaga, pero mugto ang mata ko pagkagising.
"Okay ka lang ba?" Nanay asked.
"May masama lang akong napanaginipan kagabi." i told her.
"Ano yun?" she asked.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya. "Napanaginipan ko si Jeno, nay. May hawak siyang patalim at .."
"Nak, natatakot ka ba sa kanya?" she cut me off.
"H-hindi. Pero natatakot ako para sa kanya." i replied.
"What do you mean?" she asked.
"Nay, tinext ko siya kagabi. Hindi ko na siya nireplayan nung tinatanong niya kung okay lang ako. Tapos tinatanong niya din kung mahal ko ba talaga si Jungwoo." i said and my Mom was half-surprised.
"May alam na ba siya anak? Tungkol sa nakaraan niya?" i heard her.
"Hindi ko alam nay. Mukhang wala pa naman. Pero sabi niya nung pumunta kaming hospital nun, na gusto niya ako." i said.
"Jesus Christ." she mumbled.
Napahinga ako ng malalim.
Hindi kaya .. nakakahalata na siya? O baka may nasabi sila Mark sa kanya?
Kasi kung gusto niya lang ako, hindi naman siguro darating sa point na ipagpipilitan niya ang sarili niya sakin diba? Hindi naman siya ganun kadesperado.
"Anong plano mo?" she asked.
"Wala, Nay." i replied.
Sakto naman ang pagbaba ni Jungwoo na ngiting ngiti sakin kaya nginitian ko lang.
Naupo siya sa tabi ko at inabutan siya ng kape ni Nanay. Nagpasalamat siya pagkaabot niya yun.
"Tulog pa si Autumn." He said at tinanguan ko lang siya.
Dumating bigla yung maid nila Mama at tinanong niya kung saan iyong cellphone ni Dad. Pinapakuha daw niya kasi yun sa kanya. Pero nagsuggest ako na ako nalang magbigay sa kanya.
Pumayag naman iyong maid at ako na ang umakyat sa kuwarto nila Nanay at kinuha ang cellphone niya.
"Dad." pagkalabas ko, at pagkarating ko sa Garden kung saan siya ay nakaupo at nagkakape, at tinawag ko siya agad.
"Oh." he smiled pagkaabot niya ng phone niya.
"Wala ka ng kailangan?" i asked. Tumango naman ito at dinampot iyong nakarolyong diyaryo sa mesa niya.
Umalis na ako doon at papasok na sana ako ng bahay ng may mapansin akong tao mula sa gate namin kaya nilingon k ito.
Kinabahan ako bigla nang magtama ang mga tingin namin at nakilala ko kung sino siya.
"Long time no see." he smiled.
Lumapit ako ng bahagya sa kanya at napansing bukas ang gate namin.
"Anong ginagawa mo dito, Taemin? At paano mo binuksan ang gate? May tao kaming nagbubukas neto." i said. Yes, it is Taemin.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."