Jeno's:
Gabi kami nila Mark nakarating sa lamay. As usual maraming tao pero may guwardiya namang nag escort sakin. Wala si Arielle kung itatanong niyo kaya tahimik ang gabi ko ngayon.
Wala pa doon si Jungwoo ng makarating ako at naghintay ako ng kalahating oras bago siya dumating kasama nung tatay yata ni Jaemin. Oo basta yun. Nagtinginan kami ni Jungwoo bago ako naglakad palabas ng memorial hall at hinintay ko siya labas.
Mga ilang segundo din ang lumipas ng marinig kong may parating mula sa dinaanan ko kanina kaya hinintay ko lang na makalapit siya sakin.
Pero nang tumagal iyon ay medyo nabahala ako. Nilingon ko ito at-
"Hello, master." a masked guy suddenly covers something in my nose and mouth. Saka ako nawalan ng malay at diko na alam ang nangyari pagkatapos.
•••••
Jaemin's:Alas dose na ng gabi at di ako makatulog. Kanina pa ako naglalakad ng pabalik balik sa living room habang inaalala si Jungwoo at si Dad. Hanggang ngayon kasi di pa sila umuuwi. Tinatawagan ko siya pero di niya sinasagot ang tawag ko.
Nag aalala ako. Sobra.
Ang sabi niya, may pag uusapan lang daw sila ni Jeno ngayon saka siya uuwi agad. Ang sabi pa niya mga alas diyes makakauwi na siya pero anong oras na?
In a sudden, someone ring the doorbell. Medyo nababalisa pa ako nun pero pinili kong silipin ito muna mula sa glass window namin sa malapit at may nakita akong grupo ng pulis na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
Binuksan ko ang pinto at lumapit sa may gate.
"Good evening, hija. Ito ba ang bahay ni Chief Yoo?" tanong nung isang pulis kaya tumango ako.
Anong nangyari sa tatay ko?
"Ma'am, nagkaroon po ng malaking kaguluhan sa may memorial hall, sa lamay nung artistang namayapa. Ang inyong ama at iba pang dumalaw doon ay nasa hospital ngayon at nagpapahinga na. Ang ilan po sa kanila ay nakalanghap ng drug smoke na nagpatulog sa kanila, at yung iba ay kinitil ang mga buhay nila." he said kaya lalo lang akong kinabahan.
"Pero okay na po ba siya? Teka, sinong namatay? Sinong gumawa nun?" natataranta kong tanong.
"Puwede po kayong pumunta sa mismong hospital ngayon para malaman ang lahat. Sa ngayon po ay kinikilala pa po namin iyong mga namatay." paliwanag nito.
Tumango nalang ako at dali daling pumasok para kumuha ng jacket. Pagbaba ko ay nasalubong si Nanay na alam na din yata ang nangyari.
"Nay-"
"Sasama ako." she said."Pero paano sila Bella?" i asked.
Sandali siyang natahimik.
"Dalhin natin sila." she said at wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kuwarto ko at gisingin si Autumn.
Pagkatapos nun ay umalis kami ng bahay. Sakay ng kotse ni Nanay ay dumiretso kami sa hospital kung saan naabutan namin ang ilang mga pulis, media at-
"Lucas!" i ran towards Lucas at sinalubong naman niya ako. Nakita ko ang matinding lungkot sa mata niya, namumula ito at mukhang kakaiyak niya lang.
"A-anong nangyari?" i asked.
"Isang napakalagim na krimen ang nangyari, Jaemin." he said at natakot ako sa pagkakabigkas niya.
Kamamatay lang ni Lucas tapos ngayo-
I stopped when i saw Jeno, eyes shut and was laid in a stretcher at pansin ko ang pamumutla niya at ipinasok siya sa isang hospital room malapit samin.
"Jusko." napalakad ako palapit sa kuwartong iyon but Lucas stopped me.
"Nadisgrasya na lahat si Jeno pa din ba aalalahanin mo?" He said firmly. I looked at him confused and scared.
"Anong pinagsasabi mo?" i asked. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Autumn na tahimik lang sa tabi ko.
A tear fell from his left eye at bigla niya akong hinawakan sa braso. "Why dont you see it yourself?" sabay hila niya samin sa isang kuwarto sa baba ng hagdan.
Nang makapasok ako doon ay nanlaki ang mata ko sa bumungad sakin.
N-no!
Nilingon ko si Lucas na nakatingin lang sakin, punong puno ng paghihinagpis ang mga mata niya.
"Wala na siya, Jaemin. Wala na si Jungwoo. Wala na siya!" he shouted at me, na dahilan upang bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata.
I run towards Jungwoo's laid dead body, at kahit nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko ang mukha niya na nagsisimula nang manlamig sa mga puntong ito.
"J-jungwoo! gumising ka please .. Jungwoo!" i cried shaking him at may humila sakin mula sa aking likod.
Ayoko sanang bumitaw, at nagpupumiglas ako pero nahila ako ng taong ito na nung hinarap ko ay si Dad pala.
"Anak, tama na. Tama na." he hugged me as i hugged him back. My legs gave up while crying in his chest at pati si Nanay ay umiiyak habang niyayakap ako.
Narinig kong pinapaalis na kami nung doktor dahil makakasama samin iyong gamot sa morgue pero nagpupumiglas ako.
"Jungwoo .." i keep on mumbling his name kahit na nung nakalabas na ako.
Niyakap ako ni Autumn na bagaman ay di naiintindihan ang nangyayari ay halatang naiiyak na din."Bakit di mo siya niligtas, Lucas? Bestfriend mo siya diba? Bakit?!" nagagalit kong sabi kay Lucas pero hindi siya nagsasalita. Lumuluha lang siya sa harap ko.
W-wala na siya. Wala na siya. Pero bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit nangyayari to? Anong nangyayari?
Hindi ko alam pero pakiramdam ko nahihilo na ako sa nangyayari.
Until everything went black.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."