JAEMIN's:
Masaya naman sa Reunion Night. Nagkita kami nila Herin, tapos pasimpleng nagkakangitian kami nila Mark. Hindi sila makalapit sakin dahil kasama nila si Jeno at yung Arielle.
Nahuhuli ko ang mga sulyap ni Jeno sakin. O baka nag iilusyon lang talaga ako?
"Love?" I heard Jungwoo at nilingon ko siya. Inilapit naman niya ang sarili niya sakin. "Gusto kang makita nila Lucas." Then he took my hand at tumayo nalang ako.
Holding hands kaming lumabas ng left door at nadatnan ang ilang pamilyar na mukha ng mga lalaki. Kinabahan ako nang tumingin sila sakin, pero nakahinga ako ng maluwag ng nagsingitian sila.
Nakita ko sila Jaehyun, Taeil, Doyoung, Lucas, Kun, Sicheng, at Taeyong at mukhang nagulat yata sila sa akin bago napangiti.
"Ikaw pala ang ipinagmamalaki nitong kaibigan ko! Kita mo nga naman oh, mga tropa. Na-love at first bully itong kaibigan natin!" Lucas playfully joked at Jungwoo saka sila nagtawanan. Si Jungwoo naman, sinuntok si Lucas ng pabiro sa tiyan nito.
"Kamusta ka na, Jaemin? Akala ko nun di mo papatulan tong kaibigan namin." Kun smiled at me.
"Makulit siya eh. Tsaka hindi ko siya matiis." Kumapit ako sa braso ni Jungwoo and so he hugged me afterwards.
"Kaya pala, matinong matino ka na ngayon." Sicheng said and all of them laughed again.
"Atleast we all know that Jungwoo is happy with you. Kasal na ba kayo?" Jaehyun asked.
I shook my head a no.
"Kailan niyo balak?" Lucas asked kaya napalingon ako kay Jungwoo na seryosong nakangiti.
"One of these days." At medyo nagulat ako sa sagot niyang yun.
It's not that i dont like to marry him, but ..
This isn't a surething after all.
I like Jungwoo, and I know he loves me and Autumn. He is going to be a perfect Dad and husband.
Pero may hindi pa ako nakakalimutan.
"Mukhang nagkakasiyahan tayo dito ah." A familiar voice was heard from the door at napunta doon lahat ng atensiyon. Huli akong lumingon at nakita ang mukhang kanina ko pa gustong makita ng mas malapit.
Dumako ang tingin ni Jeno sakin saka ko naramdaman ang paghawak ni Jungwoo sa tagiliran ko.
"Uy Jeno!" Jaehyun ran onto him at halatang natutuwa ang lahat sa pagpunta niya dito sa labas.
Nagkatinginan kami ni Jungwoo.
"Tuloy tayo bukas ha? May soccer field set na sa bakuran ng bahay. Ituloy natin ang reunion match. Diba Taeyong?" Jeno said smiling at Taeyong at sumang ayon ito.
Naalala ko, soccer player din pala nun si Jungwoo.
"You are Jungwoo, right? Sama ka din kina Lucas para marami tayong maglalaro. Baka namiss niyo kasi iyong college sports natin." Jeno said, staring seriously at Jungwoo.
YOU ARE READING
Overplay: The Last Season
Fanfiction"Prove to me that i was wrong, Jae." "And then what?" "Then, I'll let this game end."